kagabi, nagdinner kami sa isang chinese restaurant na noon ko lang napasok. lahat ng nakasulat ay in chinese characters, yung presyo lang ang nababasa ko. sabi ko nga, may kasama kaming translator, kaya ok lang. for the first time dito sa hongkong, hindi ko naubos yung inorder ko. pansit kasi na malalapad at maninipis na may kahalong beef. ok naman yung lasa, ang problema, sandamukal sya, ang dami. ang bigat pa sa tyan. hindi talaga kinaya ng powers ko. hindi ko na rin itinake-out yung natira, hindi ko na rin naman makakain yun pagdating sa flat.
kagabi, napanood ko sa Pearl channel yung Most Extreme. At ang topic nila, Top Ten Outrageous FLirts among animals. ang inabot ko na lang ay yung top 2 at top 1 eh. yung Top 2, isang uri ng monkey na kapag breeding season na, lumalaki at namumula ng pulang pula yung pwet ng mga female monkey to attract the males daw. hahaha! yung Top 1, african elephants. sabi kasi, once every four years lang daw lumandi ang mga babaeng elephant, and it just takes 2 weeks. so within that 2 weeks, anong ginagawa nila? they send infrasonic signals, sound waves na mga lalakeng elepante lang ang nakakarinig within an area of 250 square kilometers! so, yung mga lalake daw na elepante will try to look for the source of that signal, and since maraming elepante ang nakakasense ng signal, doon daw nangyayari ang pag-aaway ng mga elepante, matira ang matibay, may the best man win! dahil sa isang babaeng elepante, magkakagulo at magpapatayan ang mga lalakeng elepante sa paligid nya just to have her.
ibang topic naman... nag-expire na yung SIM card na binili ko dito, next week na lang ulit ako bibili. mura lang naman ang SIM card dito, ang bili ko dun sa ginamit ko last month na nagpunta ako dito, HK$38 lang, tapos, HK$38 din yung load nya, kaya parang libre lang yung SIM card.
ang daming nakablue from our company dito sa office. nagkataon lang, blue ang isinuot kong longsleeves, aba, at may tatlo pang nagsuot ng blue. para tuloy kaming naka-uniform, hehehe. sabay-sabay pa naman kami kung maglunch. yun ang talagang coincidence, wala naman talagang nag-usap na magbublue kami ng suot eh. nagkataon lang talaga.
i check my web tracker from time to time, tinitingnan kung saan nanggagaling ang mga hits ng blog na ito at kung ano ang malimit na binabasa. natuklasan ko, majority of my visitors came from search engines na ang hinahanap, video ni michael fajatin! chineck ko nga sa google, aba, at napansin ko nga na ito palang blog na ito ang nangunguna sa search result if you searched for "michael fajatin". tsk tsk. and the most popular page sa blog na ito, yung post ko about his video. hehehe. aba nga naman, at nakatulong pa si michael fajatin para sumikat ang blog na ito. hehehe. bakit ba ito ang una sa listahan? e andyan naman yung YouTube, pati yung website ng GMA 7. ewan ko nga ba, wala naman akong kamag-anak sa google. hehehe. hayan sa baba ang ebidensya.
yung title ng post na ito, para doon sa isa kong kaibigan na nagbalik. basta, yun na yun. =)
yun lang!
3 comments:
syempre pa, extra ako dyan sa post mo about michael fajatin... hahahah
napanood ko na din yang Ten Outrageous na yan. Sa mabahong bansa nga lang ng malaysia he he he.
ashtegh nga eh. abangan mo yung top 10 extreme laborers.
hallo! (pasingit)
nadiscover ko dun sa sa blog mo ang youtube (pinuntahan ko nga..ayun nadiscover ko ang two chinese brothers), tsaka cool din ang iyong mga musicplaylist specially the opms..updated si neneng! :-D
Post a Comment