ako: bakit hindi kayo natuloy sa boracay?yun lang! happy weekend!
sya: kasi, napostponed eh.
ako: huh? parang inenglish mo lang ang tanong ko eh.
---------------------
sya: gusto kong panoorin ang moments of love, kaso, tagalog sya. hindi kasi ako nanonood ng tagalog movie eh.
ako: itranslate mo na lang. pwede na yun, english naman yung title.
--------------------
sya: ang sarap magswimming.
ako: oo, lalo na kapag marunong kang lumangoy.
--------------------
sya: anong attire bukas? baka naman nakabarong ka pa?
ako: hindi. magbabahag na lang ako.
--------------------
sya: doon ako sa bahay nyo matutulog ha.
ako: ok. doon ka rin gigising?
--------------------
sya: hello, asan ka?
ako: andito, malapit sa cellphone ko.
--------------------
sya: bakit hindi mo dinala ang kotse mo?
ako: ayoko. mabigat.
--------------------
ako: nalilink kasi sya doon sa isang sikat na artista.
sya: sino?
ako: hindi ko matandaan ang pangalan eh.
sya: saan sya lumalabas?
ako: sa tv
sya: ang gulo mong kausap
--------------------
ako: (nagdadrive)
sya: (giving directions) hayan. ikot ka dyan.
ako: mahirap umikot, nakaseatbelt ako. hindi ko kaya.
--------------------
sya: marunong ka bang lumangoy?
ako: hindi.
sya: mahirap ka palang kasama sa beach. kapag nalunod ako, hindi mo ako maililigtas.
ako: malakas akong sumigaw. sisigaw na lang ako ng HELP!
--------------------
sya: kumusta?
ako: ito, gwapo pa rin. ikaw?
sya: ito, cute pa rin.
ako: ang tae, kapag maliit, cute din. hahaha!
-------------------
sya: thank you very much!
ako: you're welcome very much!
This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Friday, April 07, 2006
ako at sya
conversation sa text, sa chat, at sa personal na buhay. yung ako ay ako, yung sya, iba't ibang taong nakausap ko, or nakasalamuha. basta, yun na yun.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
<==jaja's comment here==>
haha.katawa naman ung sa moments of love.
ei tnx sa pagbisita sa aking blog.
grabe ang sipag mong maglagay ng entries.
sobrang lawak ng isipan mo.
imagine maisip mo yan lahat ng 1 day lang.
Kudos! You rock \m/
wehehehe... parang nuts entertainment yan!
hahah pwede na to sa joke time ah! ang kulit ng mga banat! nkakatawa ung sa tae.. haha! kng ako kausap mo malo2ko ako sayo!!!
wah! dapat kagabi pa ako magpopost eh kaso muntik na akong mahuling nagcocomputer nanaman kaya dnc ko na agad. ehehe...
waw! kakaiba talaga... ako pinaka gusto ko yung "doon ako sa bahay nyo mautulog ah" "dun ka rin gigising?" nyahahaha...
Eto naman ang sa akin:
Siya: Pwede bang makisakay?
Ako: Ayoko nga, ang bigat mo.
Siya: Pwede bang magpakasal sa iyo, Father.
Father: Ay, hindi pwede bawal kaming mag-asawa.
(Actually, ang tinutukoy dito ay kung pwede si Father mag-officiate ng wedding nila).
Thanks for visiting my blog.
sya: doon ako sa bahay nyo matutulog ha.
ako: ok. doon ka rin gigising?
waaahh... natuwa ako dito!!! hehe wala lang. ang cute mo.
Hi,
Nakaaliw naman ...nde lang nung blog mo pati ung site mo very creative indeed...congrats po! Napadaan lang..keep up the good work. etong share ko:
sya: hello asan ka?
ako: andito
sya: ha? bakit?
ako: semple dito ako nakatira e
(evil bwahahahahahahah!!!)
sensya na corny e
naaliw ako! hehehe :)
napadaan lang.
hahahahahaha. simula ngayon hindi ko na sasabihing "CUTE AKO!" hahahahaha. ayos ka! COMEDY! labyu, tsong! whooo.. isa pang entry like this.. fan mo na ko! hahahahaha!
lol!! Oo nga naman, ang bigat ng kotse ha ha ha
Ako: Ang gwapo mo talaga.
Ikaw:Siyempre, kaya nga Aga ang tawag sa akin eh.
Ako: Hmmm...gwapo din kaya si Late?
Corny joke ko at hindi ko maisip kung ano ang tagalog word ng "late". Smile ka naman diyan. Yun lang! :-))
ang late ibig sabihin huli
..galing mong magpatawa kukote ha!
ako: wala lang nahihibang
siya: wala na, sa iba nahibang
hahahahah........ praning ako! natawa sa pagkapilosopo mo.
Post a Comment