Monday, April 24, 2006

dagat

napansin nyo ba? ang haba ng araw ngayon. 5:30AM pa lang kanina, maliwanag na. tapos ngayon, 6:00PM na, maliwanag pa rin! lampas dose oras na maliwanag ngayon. kaya pala ang init ng panahon. nagpainit ka ng 12.5 hours, tapos, pinalamig ka lang ng 11.5 hours, kaya talagang mainit ngayon. ang sarap tuloy magtampisaw at maglublob ng katawan sa dagat. magtampisaw at maglublob, kasi, hindi ako marunong lumangoy, hahaha!

may company outing kami, malapit na. ang plano, sa batangas daw... wow, excited tuloy akong makarating sa batangas! hahaha! e taga batangas ako. sana, doon na lang sa laguna matuloy, or sa puerto galera, wag naman sa batangas, sawang sawa na ako sa lasa ng dagat doon, ang dami ko na kayang nainom na tubig-dagat doon, sa iba naman, baka iba ang lasa ng dagat sa ibang lugar!

yun lang!

2 comments:

amgine said...

good luck sa summer outing!haha ingats!

VemSan said...

ok lang sa batangas. pero make sure sa punta fuego sa calatagan... i-suggest mo na yun bilis...hahahaha