andito ako sa sm batangas, walang magawa sa bahay, ang init, kaya dito na lang ako nagpunta. andito ako sa netopia. nag-iinternet, obvious ba?
sa mga nagfefriendster sa mga computer shop na kagaya nito, warning lang po, pakilog-out naman pagkatapos nyong gamitin, or else, paglalaruan ko ang account nyo. hehehe. hindi ko naman babaguhin ang password, you can still access it, lalagyan ko lang ng shout-out na "engot ako kaya nahack ang account ko." yun lang naman, though nakakatempt na palitan ko ng picture ng unggoy yung account mo, hindi ko pa naman ginawa yun. hehehe. hanggang shout-out lang yung ineedit ko, at least, para next time paggamit mo ng friendster, hindi mo na makakalimutang maglog-out. hindi ko pa rin naman alam yung password mo, ang naging problema mo nga lang, iniwan mong bukas ang pinto kaya nakapasok ako. ok? after ko malagyan ng shout-out, e inilolog-out ko na rin naman at syempre, yung friendster account ko yung gagamitin ko. binabago ko nga lang yung shout-out para naman matuto ka na you need to log-out everytime you log-in.
last thursday, 7am ako nakaalis ng manila, dumating ako sa batangas ng 10AM. traffic talaga, yung dating dalawang oras na byahe, naging tatlo. 1 km from the slex tollgate, usad pagong na eh. pagkalampas ng toll gate, usad pagong pa rin. bumilis lang nung pumasok na ako ng STAR tollway. ang dami kasing gustong magpunta sa laguna at batangas. ano bang meron dun? dun lang naman ako nakatira sa batangas.
doon sa tapat ng bahay namin ay may itinayong peryahan. malapit na daw kasi ang fiesta, sa june 11, kaya daw nagtayo na ng peryahan. sa totoo lang, hindi pa ako nakapasok ng peryahan, first time siguro kapag natripan kong puntahan yung nasa tapat ng bahay namin. speaking of fiesta, wala kaming handa sa fiesta, coz we don't celebrate it. ok? hehehe, punta na lang kayo dun sa kapitbahay namin. engrande raw yung fiesta kasi, once every 10 years yata sila kung magfiesta, kung di ako nagkakamali.
bukas nga pala ay 29th wedding anniversary ng inay at ng tatay ko. kaya ngayon pa lang ay babatiin ko na, hindi na ako makakapagblog bukas eh. Happy 29th anniversary po! ang wish ko, sana, magkaroon pa ako ng kapatid na babae. ehehehehe, pwede pa ba? malay nyo, di ba? e di menopause baby sya. hehehe, walang imposible, si abraham nga at si sarah, ilang taon na ba sila ng mabuo si isaac? seriously, yun talaga ang wish ko. hehehe!
yun lang!
10 comments:
nyahaha ang sama mo! kung sabagay kasalanan nya rin yun..hmmm..pero nung maiwan ko ang prenster ko..nag-restart kasi ung comp. nung compshop na un eh! sakto pa namang time na ko.
Grabeh naman tagal pa ng piesta nyo ha!kami may 12 eh!kaya lang walang perya..ang saya naman sa inyo may perya..nakapasuk na ko dun..sa pasukan lang.hehehe
makiki-happy aniversary na rin ako! at happy easter na rin sa lahat ng adyan sa inyo![feeling close..-__-""]
mahirap ang menopausal baby minsan me diperensya yung bata...bigyan nyo nalang ang magulang nyo ho ng apo na babae....hehehehe ;p
nyahaha.. friendster. di na kasi ako nagfre-friendster.
buti may celebration kahit onti fiesta nyo. kami wala. pero naka pasok na ko peryahan. stig. sya. mas masaya at mas may tril kesa Enchanted kasi kapag sumakay ka ng roller coster o peris wheel eh hindi mo sigurado kung mabubuhay kapa. nyahahaha... pero walang tatalo sa alaska este sa Space Shutle at Anchors Away.
wow. aniv. ? magulang ko kasi sa west kinasal at siguro kayo sa south. hehe.
happy easter!
i love reading your misadventures becuase it's so candid and a strike anywhere of sorts. this is a winner blog for me to read. have fun on your business trip to hk. tama ba?
minsan kasi ang bagal ng friendster. tapos may hinahabol na oras kasi tumatakbo ang metro ng internet cafe kaya siguro hindi na nya naantay. pero dapat talagang i-logout. swerte nya mabait ang sumunod sa kanya.
happy easter!
kawawa naman ung hndi nag log out n un kng ang natyempuhan nia mas loko2 pa syo haha.. pro cguro nacut n lng bgla ung net nia kc tpos n ung 1 hour? hehe..
wg ka humingi ng kapatid.. ikw n magbigay ng apo hehe
dapat kasi binilisan ng friendster yung expiration ng cookies nila. or pwede rin na kapag na-close yung browser, automatic logout na sila. sa mga computer shop (na hi-tech) kasi, automatic na naco-close yung access mo sa PC kapag tapos na yung time ng rent. so hindi na nakaka-logout yung user kung hindi sya nagche-check ng time.
yun lang po. i thank you. bow! ^ _ ^
nangyari yun sa friend ko... may nag change ng password nya, ayun wala na siya access sa mismong friendster niya! >:(
hi, ok na ok tong blogsite mo, nakakaaliw. i'm just bloghopping and found your blogsite. nice site!
Hmmm guilty ako dun sa friendster thingie, waaa sana nde mo ako matyempuhan sobrang late na ba ako para maki greet din ng happy anniversary kay inay at itay...god bless po. Keep up the good work kukote!!! Ayy honga pala pede ba mag aplay na kapatid mong babae ...wala kasi akong kapatid na lalake..dati meron pero he died in a car accident :<
Post a Comment