ilang beses ko nang nabasa at narinig ito. tumatawa na lang daw sa harap ng computer kahit mag-isa lang sya. nababaliw? nasisiraan ng bait? hindi po. nagbabasa lang ng blog na ito. huh? nakakatawa ba ito? nagulat nga ako eh, seryoso pa naman ako sa mga isinusulat ko dito. hahaha!
anyway, sa mga hindi nakakaalam, this blog started out of boredom. hindi naman ito ang una kong blog, doon yun sa my-diary.org, tapos, nalipat ako dito. naisip kong magblog dahil sa walang magawa nung nasa kuwait pa ako. imagine this, nasa malaki kang flat, with 2 rooms, kumpleto appliances, with unlimited internet access, pero wala kang kasama sa bahay? wala din akong makachat masyado dahil baligtad ang oras sa pilipinas at sa kuwait, kapag online ako sa yahoo messenger, tulog ang mga tao sa pinas. dati, naisip ko, magkwento ako, tapos, isend ko sa e-mail. yun ang una kong attempt sa pagsusulat. magkekwento ako ng mga nangyari sa kuwait, tapos, ieemail ko sa mga kakilala ko. hindi ko pa kasi alam yung blog. ganun ako, siguro, nakapagsulat din ako ng tatlong mahahabang e-mail na ipinadala ko sa mga friends ko, bago ko naisipan na maghanap ng online diary. then later, nakita ko nga yung blogspot, and the rest is history. nag-umpisa sa pagkwento-kwento tungkol sa nangyayari sa akin, hanggang sa kung ano-ano na ang naisusulat ko. from marhgil's kukote, naging kukote in a jar. from a simple built-in template ng blogspot, naging ganito na ang itsura ng blog ko. nagkaroon ng kakaibang background, nagkaroon ng background music, nagkaroon ng adsense at adbrite, at dumami ang links ng ibang blogger. dati, masaya na ako sa 16 unique hits sa blog na ito, ngayon, nag-aaverage na sya sa 60+ per day. marami na rin akong nakilala at naging kaibigan, dahil lang sa blog na ito. ang iba, online friends, ang iba, nameet ko na ng personal. yung iba, nakasama ko pa sa business ko. nagbenta na rin ako ng harry potter book dito. nagpacontest. ang dami ko nang nagawa. blogging has somehow changed my life, sa totoo lang. ang blog na ito ang nagbigay ng boses sa akin, para mabasa ng buong mundo ang opinion ko, ang nilalaman ng kukote ko. dahil din sa blog na ito, ipinanganak ang iba pang mga blog, mga dati kong mambabasa na naisipan na ring mag-umpisang magblog. nangunguna na dyan yung mga officemate ko sa dating kumpanya. sumunod yung ilan sa mga kaklase ko nung college. andyan din yung mga reader na hindi ko kilala, nagugulat na lang ako na sinasabi nila, isa raw sa dahilan kaya nagblog sila, dahil sa blog na ito. cool!
anyway, that is how i started at yan na rin ang development. so, saan patungo ito? hindi ko alam. titigil na ba ako? nope. habang may internet, habang may pagkakataon na magblog, magboblog ako. addict na eh. wala pa namang namatay sa pagboblog. alam ko, meron nang nawalan ng trabaho, meron na ring nasiraan at naging kriminal, pero yung namatay, wala pa. nasa katinuan pa naman ako ng pag-iisip kahit papaano. hekhekhek. i just can't stop myself not to write anything kapag nabobore ako. kaya hayan, tadtad ng post ang blog ko.
yun lang!
2 comments:
Hi Marhgil,
Alam mo i wonder how young are you..hehehe i find your stories enlightening, entertaining , not nakakatawa cguro pero kahit paanu mangingiti ka while reading it, at least sa akin ganun ang effect ...keep it up..im sure bored ka kasi dami mo atang sinulat today ...daan ka naman minsan sa bahay ko hehehehe...Good day to you!!!
Hi Marhgil,
I think blogging is one way to keep us sane. Sa mga malulungkot, masasaya, nakakakilig at nakaka-tense na sandali, dapat may napagku-kwentuhan tayo. Kung walang availble, eh di i-blog.
have a nice day bro'.
Post a Comment