QA. quality assurance. yan ang isa sa trip kong trabaho, which i think is mag-eexcel ako. bakit? e matalute ako eh. isang tingin ko pa lang, kita ko na kung may problema sa ginawa mo, e di lalo na kung susuriin ko pang mabuti. pulaero din ako, lalo na sa mga software.
ano ba ito? nabigyan lang naman ako ng task na magQA ng isang module ng isang system. hindi naman ako ang gumawa ng test script. nagexecute lang ako ng plan, tapos, sasabihin ko kung passed or failed. nung markahan ko ng failed at lagyan ko ng paliwanag kung bakit failed, e mali daw. dapat daw e pass. e ako ang nagQA, marunong ka pa sa akin? it did not pass the quality i want, gusto mo, markahan ko ng pass? hello? nagpaQA ka pa kung ikaw din pala ang masusunod. kung under your standards, pasado na yan, well, mas mataas ang standard ko eh. malas mo. or swerte mo nga, dahil kapag nakapasa ka sa QA ko, your software is of a better quality, hehehe.
yun lang. uwi na ako.
4 comments:
madali ba yang trabaho mo???kasi parang pamarka-marka ka lang...
ikaw yung QA, sya naman yung OA! heh!
hindi kc matanggap ng iba ang mali nila kaya ayun, ipagpipilitan na dapat pass cla. cge lang pre, higpitan mo pa QA, hehehehe.
tumfak! dapat nagpalit na lang kayo ng role.
magblog na lang sya kamo tapos idagdag ka sa links nya, im sure 'pass' yung marka nya ha ha ha
Post a Comment