This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Tuesday, April 11, 2006
puso o isip
natuturuan ba ang puso? yan ang tanong nila. ang sagot ko, hindi. ewan ko sa puso nyo, pero yung puso ko, hindi ko natuturuan. hindi ko pwedeng sabihan na tumigil na sa pagtibok, hindi ko pwedeng sabihan na magpahinga ka muna. kahit nga natutulog ako, tumitibok yan eh. may sariling isip. mula nung mabuo yan hanggang ngayon, patuloy ang pagtibok, at walang paki sa iba, basta, andun sya, titibok ng titibok hanggang gusto nya. saka lang yan titigil kapag patay na ako. so, hindi talaga natuturuan ang puso. hindi kagaya ng isip, pagkapanganak pa, wala pang masyadong alam, tapos, sa paglipas ng panahon, dumarami ang nalalaman, dahil natuturuan ang isip. pero ang puso, hindi. kahit sa usapan ng nararamdaman, hindi mo pwedeng turuan ang puso mo. pwede mo bang sabihing mahal mo sya kung ang tinitibok naman ng puso mo ay iba? hindi, di ba? a ewan, ano ba naman itong entry ko. nagiging senti. ito kasing isa dito, kanina pa nagtetext sa akin, ano raw susundin nya, puso o isip? sa akin pa nagtanong. e ito lang naman ang sagot ko dyan... kung saan ka masaya, suportahan taka. yun lang!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
inlove? yun lang ikaw lang ang makakasagot! (sounds familiar noh :p )
ayokong malagay sa ganyang sitwasyon sa buhay o makarinig man lang ng ganyang tanong mula sa isang tao. mahirap kasi sagutin ang tanong na yan at marami ring mga tanong na sing-kumplikado na tumatakbo sa utak ko. marahil kapag may nagtanong sa akin, sabihin ko na lang sa iba magtanong tapos sabay tatalikuran ko na lang. =)
sabi ng teacher ko nung elementary, involuntary muscle daw ang puso. :p
Post a Comment