Friday, April 07, 2006

isko vs isko

nanood ako ng debate kagabi. ang pinagdebatehan, kung sakali raw na mabago ang konstitusyon, payag ka ba na maging isang requirement for a public official, kailangan, college graduate? kung hindi ka college graduate, hindi ka makakakandidato.

masaya ang debate dahil andun ang dalawang isko. si isko moreno at si isko salvador aka brod pete. ang nangyari, parang panggulo lang dun si brod pete eh, puro kalokohan ang pinagsasasabi. natawa ako sa sinabi ni isko moreno na tamang tama naman ang pagkabara ni brod pete. sabihin ba naman ni isko, ang problema daw ay ang mababang kalidad ng edukasyon. nagtapos daw sya ng elementary at high school, pero kahit daw gusto nyang pumasok ng UP, hindi raw sya makapasok dahil ang bababa daw ng grades nya. hahahaha! sabi ni brod pete, problema ba namin yun? problema mo yun, hindi ka nag-aral ng mabuti eh. hehehe. nga naman, bakit yung mababa nyang grades, isisisi sa quality of education? hahaha!

kanya kanya sila ng punto. sabi nung isa, may isang bata raw na ayaw ng pumasok sa paaralan, ang katwiran daw, anyway, i can still be president someday, kahit hindi sya nakapagtapos. oo nga naman. pero sa lahat, agree ako dun sa sinabi nung si patricia evangelista. ang ganda nya kasi. hehehe. tama yung pananaw nya para sa akin. hindi dapat hadlangan ng batas ang mga walang pinag-aralan sa pagpasok sa pulitika. anyway, this is a democratic country at ang mamamayan pa rin ang magpapasya kung karapat dapat sya sa posisyon o hindi. nga naman. kung ayaw nyo sa hindi college graduate, e di wag nyong iboto, problema ba yun? kung nanalo sya, wala tayong magagawa, majority wins eh, sya ang gusto ng nakararami.

text message from a friend: Quote of the day: Di bale nang walang tulog, huwag lang walang gising! oo nga naman!

yun lang!

3 comments:

pb said...

nyahaha... may punto nga yung batang nagsabing kahit hindi ako mag-aral eh pwede akong maging presidente... kaso... maganda narin kung hindi lang pagiging kapwa tao, mabuting tao, masipag at matyaga ang mamuno, wat if pa kung may talino din sya.. sa totoo lang eh may problema ako tungkol dito... ehehe...

michelle said...

you do have to be educated to be smart, but in order to gain wisdom...you need experience - that's a different thing.

i want a leader who has passed through excruciating forms of community service (ung ndi for show a). it's an indication of being selfless, that he has the heart to serve and do what's proper.

a one year community service certificate requirement nlang. screw diploma.

Inya said...

ano pang aasahan mong ipanukala ng mga TRAPONG pulitiko? siyempre yun lamang pabor sa kanila,hindi ba?