Wednesday, April 26, 2006

cold water

magpost naman ako ng sarili ko. lately kasi, puro video sa youtube ang naipost ko eh. wala lang, natuwa lang ako dun eh. anyway, ano bang nangyari na sa akin? eto, back to normal work sa office dito sa malate. kahapon, nagtungo kami sa seaside para magdinner doon sa squared. ok naman yung luto nila doon sa mga sea food na ipinaluto namin, yun nga lang, squared rin yung presyo nila. hehehe. anyway, sulit naman, busog na busog ako, sobra. as in, tuwang tuwa ang mga bulate ko sa tyan.

ngayon, andito pa rin ako sa office. grabe, tinamaan ako ng sipon, as in, bumabahing ako maghapon. hatsu! excuse me. hayan, pati dito, sinisipon ako. hehehe. sa tindi ng sipon ko, pati mata ko, apektado, namumula, para na akong may sore eyes, pero wala naman, ang sama lang talaga ng tama nung sipon. uminom na ako ng neozep at ilang galong tubig, hehehe. di ba, yun daw ang gamot dun, drink plenty of water. sana, bukas, ok na ako. sana.

sobrang init ngayon. as in, nagigising akong basa ng pawis sa gabi. sobra, tagaktak na ang pawis ko. muntik na nga akong malunod sa pawis ko, hehehe, joke. basta, ang hirap matulog sa gabi, kaya naman nangungulit na lang ako sa text. hahaha! pasensya na sa mga biktima ko. hahaha!

yun lang, uuwi na ako. may nanalo na sa bidding nung cool water. bukas, magkikita kami para magpalitan ng epektos. hehehe. actually, sya lang yung nagbid eh. mukhang yung mga nagbabasa nito, cold water ang ginagamit kaya hindi nagbid. hahaha!

yun lang!

5 comments:

Anonymous said...

parihu pala tau.. me sakit din ako...

Anonymous said...

baygon kasi perfume ko eh.. ;P

Anonymous said...

uso ba sakit ngaun? i wonder?

tito aga tinamaan ka ng sipon?saan? kaninong sipon tumama sau! lagkit nun! nyahah!

yeah ryt ang init dito sa maynila! umaagos rin pawis ko pag gabi, ngaun lang aki nagsummer dito lagi ako sa quezon pag bakasyon

lheeanne said...

Yokong mag comment sa topic nyo kc baka mahawaan ako ng sakit ninyo. masakit na nga ang ipen ko, maghahatsing pa ako..

May tanong po ako senyo, lagi lang puba sa jar ang kokote nyo?

baka pwde nman mahiram, kc malapit napong tanggalin ng dentist ang wisdom tooth ko, baka mawala na lahat ng wisdom ko

at least kung se-sheran nyo ako ng kukote nyo pwde na akong bumili ng sariling jar ko..

WOOT! said...

ang init din dito samin....
pawisan mga tao dito pag walang elektik fan..bakit ako wala namang sakit ngaun??..hmm..
hindi na ko magtataka kung bakit maraming may sakit ngaun dahil talaga namang mainit ang panahon at masarap sa bayan ng malamig na halu-halo...at dahil sa biglaang pag iba ng temperatura sa katawan..sakit talaga ang aabutin!