bukas pala, nakalongsleeves with tie ako sa pagpasok. kasi, alam nyo na, may darating na boss from japan. so, magmumukhang tao na naman ako. hahaha. sa saturday pala, tuloy na ang outing namin. hindi ko pa lang talaga alam kung saan ang venue. ang hirap kasing maghanap, marami sa alam namin, nung tawagan namin, puro fully-booked na. pero may nahanap na raw sila. tingnan ko na lang kung saan. magbubuhay bakasyonista muna kami ng dalawang araw. tamang tama naman na walang pasok sa May 1, mahaba-habang bakasyon.
nasabi ko pala na magkekwento ako kung anong nangyari sa amin nung magpunta kami sa central sa hongkong. gumala-gala lang kami doon, nagpapalit ng pera. yun palang central ang tambayan ng mga filipino doon, kaya parang nasa pilipinas ka na rin kapag andun ka. yung mga nagtitinda, mga filipino, yung mga paninda, mga paninda sa pilipinas, yung mga gumagala, mga filipino, kulang na lang dun, snatcher at mandurukot at nasa pilipinas ka na nga. hehehe.
nung andun kami, kumain kami sa jolibee. syempre, nang masubukan kung pareho din ba ang lasa ng jolibee ph at jolibee hk. pareho lang ang lasa, ang magkaiba lang, ang presyo, mas mahal sa hk. siguro, dahil syempre, inimport pa yung mga paninda sa pilipinas. sumakay pa ng eroplano yung chickenjoy. e magkano ba ang pamasahe sa eroplano? kaya siguro ganun, nagmahal sya. hehehe. napansin ko doon sa jolibee, ang tatanda na nung mga crew. parang lola ko na eh. unlike sa pilipinas na mostly ay working students ang crew between the age of 18 to 22, doon sa hk, tantya ko, 50+ na yung edad nung dalawang crew na nakita ko. mga matatandang babae. magkano kaya ang sweldo nila? ewan ko, di ko sila nainterview eh.
habang kumakain kami sa jolibee, may nakausap din kami doon, isang matandang lalaki na nakatambay lang doon, katabi ng table namin. hayun, nakakwentuhan namin. doon daw nagtatrabaho ang kanyang anak. dating stewardess sa cathay pacific, pero ngayon daw ay nasa office na sa hk nagwowork, sa logistics daw eh. so hayun, kaya andun sya sa hong kong, isinama sya ng anak nya. 2 years na daw sya dun. nung una daw, 1 year yung visa nya. tapos ngayon daw, 2 years na yung visa nya. yung anak nya, permanent resident na dun. wala din naman daw syang masyadong ginagawa dun, kasi nga, pensyonado ng kanyang anak. kaya patambay-tambay. sabi nya, ok daw ang buhay doon. tahimik, walang masyadong polusyon, at hindi delikado. anytime daw, kahit madaling araw, gumagala-gala sya kapag hindi sya mapagkatulog doon sa bahay nya.
habang nag-uusap kami, sa kabilang table, may naupo din, dalawang babae, mukhang mag-ina, at kinausap din ni lolo. syempre, habang nag-uusap sila, nakikinig rin kami. dh daw yung babae doon, at mag-ina nga sila. yung anak daw nya ay doon sa tiya nya nakikitira. 7 years na daw syang dh doon, mababait naman daw yung amo nya. tatlong araw ang day-off nya sa isang linggo. doon na rin nag-aaral yung anak nya. ang amo daw nya, director sa pccw, isang telecom company sa hk. sabi nga nila, swertehan din daw ang pagiging dh sa hongkong. kapag mabait ang amo mo, swerte ka. kung salbahe ang amo mo, malas mo, kalbaryo daw.
yun lang naman ang naging kwentuhan namin, tapos naghiwa-hiwalay na rin kami. before i end my post, panoorin nyo muna ang kakaibang balitang ito. napanood ko na ito sa dati naming office, pero ngayon ko lang ipopost dito. nakakatuwa sya.
"i hate subtitles"
yun lang!
4 comments:
hahahaha ang kulit nung mama... haahahaha
yun lang. hehe
Hello! Napadaan at mag-iiwan ng bakas...
Nakakatuwa noong nag-HK kasi yung mga tinderong Intsik eh nagtatagalog, tapos madami kaming nakita at nakachikang mga Pinays. Winarningan pa nga kami, mag-ingat daw sa mga kababayan na mandurukot. Sabi ko nga, ok pala doon, pati mandurukot, made in the Phils :-)
hahaha nakakatawa yung video;
oo nga pansin ko basta hindi american english may subitle agad pag american shows.
e.g british-english, asian-english... asahan mo may subtitle. mas gugustuhin ko pa na heavy regional accent ko kaysa may american twang nga, mali mali naman ang grammar... ;P
kahit naman hindi ka naka-long sleeves, hindi ka lang mukhang tao, pogi ka pa. o di ba? ang sipsip ko noh? wala ba akong cool water from HK dyan? hehehe...
Post a Comment