ako muna ay makikialam at makikisawsaw sa pulitika, para tipong kalevel ko sina conrado de quiros at si sassy lawyer, hehehehe. wala lang, naisip ko lang magcomment tungkol sa people's initiative na iyan.
ang masasabi ko, talagang may butas ang batas natin. at ang titirahin ko ay yang people's initiative na yan. granting na totoo na pwede nang baguhin ang konstitusyon kapag nasatisfy ang kundisyon na kailangan ng 12% na pirma ng buong registered voters at 3% per district ang nakapirma, napakalaking katangahan ata ito. ito naman ay opinyon ko lang. sa mga sumulat ng konstitusyon na yan nung 1986, ito lang ang tanong ko, hindi ba, we are living in a democratic country where majority rules? kung ano ang gusto ng nakararami, yun ang masusunod, di ba? kaya tayo nagkakagulo ngayon eh, eengot-engot ang mga nagsulat. isipin nyo na lang, kung gugustuhin ng 12% na baguhin ang konstitusyon, magagawa nila? e paano naman yung 88% nang registered voters? paano kung ayaw nila, di ba? dapat kasi, at least 50.1% ang dapat nakapirma, saka pa lang mabago yung konstitusyon, di ba? natural, kapag kumuha ng mga lagda ang oposisyon, makakalampas din yan ng 12%, e sino ngayon ang susundin nyo? tsk tsk tsk.
pero sa totoo lang, wala naman yan sa constitution eh. wala rin sa namumuno yan. nasa mga mamamayan ang ikauunlad at ikababagsak ng bansa natin. kung lagi nyo na lang isisisi sa gobyerno ang kahirapan nyo, walang mangyayari. naghanap na ba kayo ng trabaho? kung sa araw-araw na ginawa ng Dyos ay wala lang kayong ginawa kundi magrally, tumunganga, tumanga, maghintay ng grasya ng presidente, anong mangyayari sa buhay nyo? hawak ba ni Gloria ang swerte nyo sa buhay? hindi. we all control our lives, hindi ba?
kahirapan, andyan na yan kahit wala pa si Gloria. iniisip nyo, giginhawa kayo kapag napalitan si Gloria? hindi. kahit sino pang maging presidente, kung tatamad tamad ka, walang mangyayari sa buhay mo. kung magsisipag lang lahat tayo, ewan ko lang kung wala kayong kainin araw-araw. ewan ko lang kung kailanganin nyo pa ang tulong ng presidente guminhawa lang ang buhay nyo. ako, sa totoo lang, wala akong paki kung sino ang nakaupo dyan. ano bang maitutulong nya sa akin? pinapasweldo ko pa nga sya sa buwis na kinakaltas sa akin. ang mahalaga, nagtatrabaho ako at kumikita nang sa ganang akin, walang naaapakan at nagagawa ang gusto ko. hayaan ko na lang silang magbangayan doon sa pulitika. basta ako, tuloy ang buhay, kahit pa si dolphy ang maging presidente. walang masipag na naghirap. wag maniwala sa kasabihang daig ang masipag ng maswerteng tamad. pwedeng totoo yan, kaso, aasa ka na lang ba sa swerte?
ewan ko, naisipan ko lang isulat ito at naririndi na rin ako sa mga nangyayari sa bayan kong sinilangan.
yun lang! sige na, uwi na ako.
3 comments:
very well said.. ganyan dn ang pani2wala ko. kaya hndi ko maintidihan ang mga pinoy n yan, lahat n lang ng nakaupo sa pwesto gs2 alisin. imbes maghanap ng ikabubuhay e puro protesta ang ginawa. lahat ng kamalasan ng bansa sa gobyerno ang sisi, pti na dn yang mga opposition yan, imbes sana mag head ng kng ano2ng rally, gwin n lng sna nla mga trabaho nla, puro pulitika n lng ang usapan, nkakasawa na, kaya nkakawalang gana umuwi ng pinas haaay!
kase dapat lahat ng hindi ngbabayad ng tax, walang karapatang bumoto para hindi sila nagrarally.
Hindi na nga sila tax payer, nanggugulo pa sa kalsada. dapat hindi na lng yan pinapaboto para hindi nababayaran ng mga politiko sa botohan tsaka sa mga rally. Hehehe!
-----------------------------------
e2 na nga pla yung adbanner ko:
http://i5.photobucket.com/albums/y189/romela/adbanner-1.jpg
Just link it to: http://www.medtranscriber.net
If pede lang naman, TY! :)
hi, marhgil. actually, response ko ito doon sa "newly grads"...is your birthday 8/11? kung ganon, ka-bday mo baby ko. yun lang. (pahiram)
Post a Comment