Monday, October 31, 2005

ingat

ang dami na talagang masamang tao sa mundo. kanina lang, tumawag yung kapatid kong nasa lipa, yung kapatid raw ng ninong nya... patay. pati yung asawa at gwardiya. lending shop ang negosyo nila sa calamba... hayun, siguro, pinaginteresan yung pera nila. binaril yung gwardiya, pati yung mag-asawa... sa ulo ang tama. tinangay yung pera at sasakyan... tsk tsk tsk. ingat na lang po tayo palagi.

Sunday, October 30, 2005

lactacyd

while watching PBB, natawa lang naman ako sa bagong commercial ng lactacyd featuring aga and charlene muhlach. natawa lang dun sa sinabi ni aga na "fresh and clean kaya love ko." bastos talaga ang nasa isip ko... hehehe, di ba, feminine wash yung iniendorse niya? hehehe, ano yun, testimonial to charlene's tutut?? a ewan.

Saturday, October 29, 2005

cellphone sa vending machine

natuwa ako sa balita sa internet... cellphone, ibebenta na sa vending machine? talaga? oo, totoo. pakana ng vodafone sa uk. ayokong maglagay ng link, kayo na lang maghanap.. hehehe. yun lang.

masaya ako, promise

aside from the neocounter na makikita nyo dyan sa sidebar, i have another hit counter dyan naman sa footer... yung freestats. ano bang meron dyan? hindi lang yan nagbibilang, it shows valuable statistics... dati, nung konti pa lang ang nakakaalam ng blog na ito... masaya na ako kapag nag-aaverage ako ng 10 unique visitors per day. ngayon... i know, there are 60+ unique lurkers sa blog na ito per day. i say lurkers, kasi, yung comment box ko at tagboard, wala pang sampu yung nagcocomment... pero according to freestats... nag-aaverage na ito ng 70+ visitors per day, so yung 60+, nakikibasa lang.

ang saya ko... nakakatuwa din na may mga natutuwa sa blog na ito kahit papaano. hehehe. at mas natuwa ako ng malaman ko na may mga lurker-turned-blogger dahil nainspire daw sa blog na ito. sana lang wag silang ningas-kugon... ganado sa umpisa, tapos, tatamarin na sa dulo. keep the fire burning, kagaya ng kandila kong yan, walang ubos.. hehehe. yan, tama na...

pahabol na lang... as i search "marhgil" on www.technorati.com, nagulat ako ng mabasa ko ito, natuwa... di ko sya kilala, pero lagi daw nya binabasa ito... kaya lalo tuloy akong ginaganahang magsulat... magsulat ng kung ano anong bagay na pumapasok dito sa kukote ko. habang may access ako sa internet at sa blog na ito, i will not stop posting, basta sulat lang ng sulat. wala akong sinusunod na style... ni hindi ko nga natutunan sa paaralan na magsulat ng blog na ito eh... ehhehe... basta, hayan, ganyan lang style ko, type ng type, nagkekwento, parang kausap kayo.

tama na, manood muna akong MGB, mukhang maganda, katatakutan. hehehe

Friday, October 28, 2005

gasgas

wala lang... biglang nasira ang araw ko. o sige, para sayo... you know who you are... using again that gasgas line... kung saan ka masaya, suportahan taka.


usapang bundok

what is the highest mountain in the philippines? hindi raw Mt. Apo, kasi, batang bata pa, mas mataas daw sigurado yung lolo nun. corny... pero may dalawang sagot na napatawa ako... mababaw lang ang kaligayahan ko eh!

Mt. Makiling daw, sabi ng mga taga Laguna. bakit? e nakakiling pa yun eh, kung hindi yun nakakiling, mas mataas yun!

pero hindi papahuli kaming mga taga batangas. ang sagot namin dyan, Mt. Maculot! yung Makiling, nakakiling lang eh, yung kulot... kapag tinuwid, mas mahaba, di ba? a ewan...

sige! let's enjoy our weekend!!!

o come on!

mahaba-habang bakasyon, sa wednesday na ang balik! apat na araw, anong gagawin ko sa darating na apat na araw? di naman ako pumupunta sa sementeryo kapag november 1, magkaiba kasi tayo ng pananampalataya. so, talagang bakasyon grande ako! ang hirap namang magbakasyon ng konti lang ang pera... tsk tsk tsk.

bukas na lang ako uuwi ng batangas, mahirap makipagsabayan mamaya, siguradong traffic, baka uminit lang ang ulo ko. siguro naman bukas, maluwag na ang kalsada. so, anong gagawin ko mamayang gabi? wala. uuwi ng bahay at matutulog, unless may magtext or tumawag dyan na magyaya ng gimik. call ako! payag ako! sagot ko ang sasakyan, sa inyo na lang ang gasolina at gastos sa gimikan... hahaha! basta clean fun lang.. kasi ayokong mabangga na naman yung kotse ko dahil sumuway na naman ako sa utos ni Lord.

sya nga pala... sa lahat ng taga ADD na ang tingin sa aming mga INC ay mga mamamatay tao, at sa iba pang mga tao na ang tingin sa amin ay second class citizen, dumbass, gago, tarantado, wirdo, kakaibang mga nilalang, uto-uto, panatiko at kung ano ano pa. ok lang, tawagin nyo kaming ganyan, e anong paki ko sa inyo? you are entitled to your opinion, kung dyan kayo masaya, suportahan taka! (gasgas na gasgas na ang linyang ito ah) hehehe. ang mahalaga, nagkakaintindihan kami ni lord. message ko lang sa inyo... May God bless you. magkita-kita na lang tayo sa finals.. hehehe.

kung may tanong pala kayo regarding my faith, wala akong balak makipagdebate. but i'm open for a heathy discussion... not here on my blog, sa e-mail or chat, pwede.

about the title of this post... wala lang, trip ko lang.. o come on!

yun lang! happy weekend sa inyong lahat!!!

intro to a tag

wendy tagged me! pero hindi ko pa gagawin yung tag, kasi, kailangan ko pang halukayin ang aming baul doon sa batangas para mahanap ang aking mga larawan at kailangan ko pang scan... medyo matrabaho pero in the name of blog , gagawin ko! hahaha! o hayan wendy, may intro pa yang tag mo! hehehe. abangan nyo na lang next week yung mga picture ko.... and in the mean time, sa mga nagbabasa ng blog na ito... humanda na rin kayo! kasi... siguradong ipapasa ko yung tag na ito... kanino? iniisip ko pa... syempre, yung mga regular visitors at commentator dito, hehehe, basta, ihanda nyo na rin ang mga picture nyo! hahaha!

yun lang muna.

Thursday, October 27, 2005

on population growth

warning: rated R-18.

ayon sa narinig at nabasa ko... the philippine population is growing rapidly. gaano kabilis? 3 births per minute! minu-minuto, may ipinapanganak na tatlong sanggol sa pilipinas??? grabe na nga ito! ibig sabihin.... minu-minuto.... may nakakabuo ng tatlong baby! minu-minuto... may tatlong pares na nagsesex sa pilipinas!!! kailangan na talagang turuan ng sex education ang mga filipino. bigyan ng ibang pagkakaabalahan... bigyan ng trabaho. kaya dumarami yan eh, ang daming jobless... walang ibang pinagkakaabalahan kundi magtrabaho sa factory ng bata. matindi kasi yang factory ng bata eh, kung kelan brownout, saka malakas ang production... hehehehe.

blog for sale

ang sarap mangarap no? kung ibenta ko itong blog ko, magkano kaya? natuwa ako dito. ewan ko kung paano kinompute, pero may sinundan syang logic, tinatamad na lang akong magbasa... hehehehe, pero sabi dyan, this blog is worth $55,324.92! oh, come on! di na ako magboblog, may bumili lang nito sa ganyang presyo.. hehehe!

yun lang.

pizza hut's misleading promo

last sunday, kumain nga kami sa pizza hut sa sm batangas nung magpunta kami dun para makita si kuba, and this sign... hayang picture sa kaliwa, got our attention. "Drop a card and get this... for Free!" yan ang sabi nila. Syempre, being in the IT industry, mga programmer who thinks like a computer, in other words, mga pilosopo... (ganun kasi ang computer, GIGO- garbage in, garbage out) ang nasa isip agad namin... magdrop lang ng card dun, bibigyan nila kami ng pizza for free! hehehe, di ba, yun naman talaga ang ibig sabihin nun!

so tanong kaagad namin kung totoo, kapag naghulog ng card doon, bibigyan nila kami nung pizza for free... hehehe. ang sagot sa amin... hindi po, iraraffle pa po yan. sagot ng kasama ko... mali yung nakasulat... misleading! dapat ang sinulat nila... "drop a card and have a chance to get this for free." sabi ko, hayaan na lang natin, iboblog ko na lang... hehehe. so, pinicturan ko... hehehe, medyo malabo lang. tapos heto, hayan, andyan na nga sa blog ko. misleading talaga, di ba? a ewan, basta, masarap ang stuffed crust pizza sa pizza hut, may libreng pizza man o wala. pero sa taga-pizza hut na makakabasa nito... ano sa tingin nyo? pilosopo lang ba talaga kami o misleading talaga?





apology, confession, brownout at pizza

una sa lahat, ako ay humihingi ng paumanhin sa mga nakabasa, kinilabutan at natakot sa previous entry ko. sorry, i forgot to put a warning. anyways... wala naman sigurong inatake sa puso sa inyo. hehehe. pero totoo lahat yan. ok... magkwento na ako...

konting confession.... at kung sinong malinis ang kaluluwa at konsensya can throw the first stone at me, ok? ok. kagabi, nahuli ako ng traffic enforcer dito sa makati for violating traffic rules. aminado ako, kasalanan ko. alas nuebe ng gabi, may nanghuhuli pa! putek! ayoko ng abala, ang dami ko nang isipin, dadagdag pa yung violation na yun.. hayun, dahil nagmamadali ako at ayaw ko nang humaba pa ang usapan, at ayaw ko nga ng abala, naging bahagi ako ng isang bulok na sistema. putek! ang nagagawa talaga ng pera... tsk tsk tsk. binigyan ko lang ng isang daang piso, ibinalik na ang lisensya ko at pinasibat na ako! putek pa rin! tao lang talaga ako, nagkakamali. i hate it!!! ok... now... batuhin nyo na ako!

oopps.. ibang topic ulit. naalala nyo yung brownout two days ago? kami, apektado rin noon. something funny happened dito sa office, nagkatinginan na lang kami ng mga officemate ko at napatawa ng lihim... bakit kanyo? ito kasing aircon namin ay remote-controlled. nung magbrownout ba naman, hinanap ni big boss yung remote control at akmang itinutok doon sa aircon to turn it off daw! para nga naman pag nagkakuryente, patay muna yung aircon... hahahaha! e wala na ngang power yung aircon at brownout, how could you turn it off via remote control? a ewan... take note, seryoso sya nung gawin nya yun, hindi sya nagpapatawa. reaction namin? syempre nga, big boss sya eh, eh di nagkatinginan na lang, pag-alis nya, nagkatawanan na lang.

final words... ang sarap ng stuffed crust pizza sa pizza hut.

Wednesday, October 26, 2005

kwentong mumu sa 27th floor

lahat ng ito, mga narinig kong kwento ng officemates ko during their stay doon sa dati naming office, kasama na rin pala yung personal experience ko...

ang auto-on na electric fan... gabi na yun, magkasama daw sa office si marco at si benjo. pinatay na daw ni marco yung electric fan dahil wala na namang gumagamit. pagbalik nya sa upuan nya, after ilang minuto, napansin nila, umaandar na ulit yung electric fan... weird.

ang boses ng babae... habang nag-OOT si benjo at francis, lakas daw ng tugtog ng mp3 players nila, nang walang ano-ano, nakarinig sila ng sigaw ng babae. siguro dahil sa takot, sabay silang umuwi.

ang nagtitimpla ng kape... yung dalawa kong boss na babae, nakaamoy daw ng kape at parang may nagtitimpla doon sa kapehan namin. pero wala namang tao, pero amoy nila yung aroma ng kape. umuwi na sila kaagad.

ang naglilinis ng sahig... hapon na yun, around 5:30 pm siguro. si francis naman, habang busy on his computer, feeling nya, parang may naglilinis ng sahig sa tagiliran nya. medyo malayo, hindi nya kita, parang nasa sulok ng paningin nya na may naglilinis. pero di nya pinapansin, ang nasa isip daw nya, janitor namin yun. tapos, walang ano ano, may tumalsik na basahan, nakita nya, napapasok doon sa ilalim ng aircon namin. tiningnan nya yung ilalim ng aircon, andun yung basahan, pero walang tao. wala yung naglilinis. tapos, naalala nya, hapon na nga pala, matagal nang nakauwi yung janitor namin... bigla na lang nya akong nilapitan at nagyaya nang umuwi. pinakita nya sa akin yung basahan... andun nga sa ilalim ng aircon. syempre, umuwi na rin ako.

ang nagpaamoy na multo... kamamatay lang noon ng presidente ng kumpanya namin. at ang pumalit na boss naming babae, sa cubicle nya nakapwesto. andun ako nung mangyari to... sabi nung boss ko dun sa isa pang boss... nagpabango ka ba? kasi, may naaamoy syang perfume. e wala namang nagperfume sa amin. mga alas tres ng hapon yun. hayun, tuloy empake sabay uwi yung boss ko, sa bahay na lang daw nya gagawin yung mga dapat nyang gawin... hehehe.

ang nagcocomputer na multo... dis-oras ng gabi, i need to go to the office, kasi, may webinar. seminar on the web, sa USA yun, kaya kailangan ako ang mag-adjust. nung magstart yung webinar, syempre, tutok ako sa computer, nakikinig. wala akong nakita, pero talagang may naririnig akong parang nagtatype sa keyboard nung isang computer sa kabilang cubicle. inisip ko na lang na daga yun... ang weird, nilakasan ko yung loob kong silipin. pag silip ko, wala akong nakita, pero tumigil yung tunog nang nagttype. tapos, pag-upo ko, ganun na ulit, tumunog na ulit. 3x ko sinilip, wala akong nakita, tumitigil lang yung ingay. tapos, kapag di na ako nakatingin, naririnig ko yung ingay. di ko na lang pinansin ulit... nung matapos yung webinar... tuloy uwi na ako kaagad.

ang multong tumagos sa pinto... this is a personal experience ulit. pauwi na kami ni benjo. naghihintay ng pagbukas ng elevator. nang lumingon ako doon sa may pinto ng office namin, nakakita ako ng ulo ng babae, nakasilip, parang yung katawan nya, tagos sa pinto, nakatingin sa amin. inalis ko kaagad ang paningin ko, tapos lingon ulit ako, paglingon ko. wala na sya.. siguro, split second lang yung pagpapakita sa akin. kita ni benjo yung reaction ko... sabi ko, may nakita ako. naniwala naman sya, iba daw kasi itsura ko, mukha talagang may nakitang kakaiba, totoo naman.

yan lang ang aking nakalap... ewan ko sa kanila, baka yung iba, hindi pa lang nagkekwento, kagaya ni akira posh na nung makaalis na dito, saka nagkwento.. hehehe. kung ako ang inyong tatanungin, may multo ba? wala. mga masamang espiritu yan na natutuwang makipagkulitan sa amin. hehehe.

yun lang!

ang nanalo at e-vat

may nanalo na sa aking pacontest... unang sagot pa lang tama na.

magkwento lang ako about this... ito kasing si penoycentral, classmate ko nung college, dito rin sa manila nagwowork. at nung magpunta sa singapore yung isa naming kasama sa bahay last week, sya naman ang lumipat sa bahay namin. sya ang aming bagong housemate... nakita na nya yung bag, at inaarbor nga nya sa akin dito sa blog. hehehe. syempre, di naman talaga pwede kasi nga, may nanalo na. natawa na lang ako nang pagbukas ko ng comment box, sya yung unang sumagot! at tama. marhgil is the name of the cousin of naomi. hehehe. panggulo lang yung intro ko... hehehe. dati, pagkalayo-layo nung nakasagot at nasa korea pa, ngayon naman, kasama ko pa sa bahay... hehehe. double deck yung tinutulugan ko, sya yung nasa itaas... so sabi ko, iaabot ko na lang sa taas yung premyo nya... hahaha!

sa mga nag-iisip na scripted ito... bahala kayo! hehehe. basta malinis ang konsensya ko at walang naganap na foul play. malay ko bang mauuna syang sumagot... hehehe.

anyway, anyhow, anywho, any batumbakal, wala lang... siguro by tomorrow, magpopost ako ng true ghost stories na nangyari dito sa 27th floor ng building namin. mga experience ko at ng mga officemates /former officemates ko.

ngapala, tataas na naman ang kuryente dahil sa e-vat na yan. pati toll fee, tataas. kailangan ko ng magtipid, hayan, kung dati, sa halip na bombilya e flourescent yung ilaw ko, ngayon, nagkandila na lang ako... sign of my protest sa e-vat.

yun lang!

Tuesday, October 25, 2005

gusto nyo ng bag? part II

sa mga umaarbor nung bag, pasensya na po, kasi, it is officially annabanana's bag na, di ba? kasi, sya ang nakasagot ng aking munting pacontest, kaso, may problema nga, kasi, hindi nya makukuha yung bag dahil nasa korea sya... at dahil dyan, since sya na yung may-ari, susundin ko na lang yung sinabi nya dito. hayan, pacontest na lang daw ulit ako at yun ulit ang premyo. so... ito na ang bagong tanong... madali na lang, unahan na lang ulit kayong sumagot. and to claim the prize, ganun pa rin, kukunin nyo dito sa office, i'll just give you the instruction sa e-mail. maliwanag? maliwanag.

konting intro muna. during my school days kasi, nauso rin yung mga palaisipan kung magkaano-ano ang dalawang tao... like, si pedro ay kapatid ng asawa ni juan. magkaano-ano sila... sagot.. magbayaw. mga ganyang tipong tanong na minsan e gagawa ka pa ng family tree just to trace kung magkaano-ano nga ba ang dalawang tao. medyo nakakalito, pero masaya. yan, may hint na kayo kung paano nyo isosolve yung question ko... hehehe. ngayon... ito na ang tanong... fill in the blank...

if marhgil is the cousin of naomi and naomi is the cousin of marhgil... therefore... marhgil is the __________ of the cousin of naomi.

the comment box is now open for your answers. don't forget to write your email address... unahan na lang ulit. isa lang ang mananalo... open to all pa rin, basta, kayo na ang mamroblema kung paano kayo pupunta dito sa office kapag kayo ang nanalo... hahaha!

Monday, October 24, 2005

ang multo sa 27th floor

magtatagal pa sana ako dito sa office, kaso, nabasa ko ang post ni akira posh... former officemate, ito kayang building namin ang tinutukoy nya, nangilabot ako, kaya uuwi na muna ako! shet! ayokong mang-rape ng multo! hahaha!

si kuba

kami ay nagkita-kita sa mcdonalds bauan. at ako ay naengganyo doon sa mcfloat. anak ng teteng,sabi ko na lang sa sarili ko, minsan lang ito. hayun, sarap talagang kumain ng bawal...ang tamis kaya nun? hehehe. at di pa ako nasiyahan sa isa, umorder pa ako ng isa pa! after that, para na akong lasing. di naman nahilo, took my "pills" para siguradong ok ako. pagkatapos nun, naisipan naming magpunta sa sm batangas, andun daw kasi si kuba... si anne curtis. hayun, e di nagpunta kami. pagdating sa sm batangas, gala-gala muna habang wala pa si kuba. lakad dito, lakad doon. tapos, may makakasalubong kaming kakilala nila, or kakilala ko... sabi ko, iskoran na lang tayo! paramihan ng makikitang kakilala... hehehe. nagtagal, nakalimutan na ring magscore, pero siguradong ang panalo, si excel... e instructor sya eh, kita ko, bati na lang ng bati, mga estudyante nyang pagala-gala.

kakagala, nakarating kami sa quantum... laruan ng kung ano-anong videogames, parang timezone kung sa glorieta. anong ginawa namin doon? syempre, bumalik sa pagkabata, naglaro. nung bata ako, bihira akong makapaglaro sa mga ganyan eh, yung pambili ng token, iipunin ko pa sa baon ko. first time kong nakapaglaro nyan e nung first year high school na ako, nung magfield trip kami papunta sa manila, kung saan dumaan kami sa megamall. yung pabaong pera ng inay, doon ko lang naubos kakabili ng token, tuwang tuwa ako doon sa karera ng kotse. ok, nalalayo na ako.. balik tayo sa sm...

hayun nga, dahil nga may pera naman ako, naglaro nga kami doon. basketball, kakapawis. tapos, karera ng kotse. nung iisa na lang yung token ko, sinubukan kong gamitin dun sa pangsungkit ng stuffed toy, kaso, wala pa rin akong nasungkit. hehehe. nakarami rin kami nung ticket na pwedeng ipalit ng gift items. kaso, wala kaming trip na kunin... so nung narinig namin na kumakanta na si kuba... lumabas na kami doon, tapos yung mga ticket, ibinigay na lang namin doon sa isang bata... tuwang tuwa.

tapos, punta kami doon, natanaw lang namin si kuba... pero nakatuwid sya. hehehe. maganda na sana sya, kaso, kumanta ba naman ng live? naturn-off tuloy ako... hehehe. dapat, sumayaw na lang sya. anyway, di ko sya napicturan. nagkayayaan na lang kaming kumain sa pizza hut. umorder kami ng isang family pan pizza, stuffed crust. tatlo lang kami, pero naubos namin yun! hehehe. umorder kami, dalawang regular coke at isang bottomless iced tea. akin yung bottomless. nung ubos na nila yung coke, yung bottomless iced tea naman ang pinaghatihatian namin. tapos nun, konting gala pa, tapos nauwi na.

yun lang. korni no?

beinte

this is in response to rachel and abaniko's tag... pareho yung tag nyo.. 20 pa rin isusulat ko.

1. tito aga ang tawag ng mga pamangkin ko sa akin... itanong nyo pa kay francis
2. august 11 ang birthday ko.
3. 26 years na akong humihinga.
4. nung college ako, i paid Php4,000 para maipagawa ang tail light ng naatrasang kotse sa likod, till now, hindi alam ng parents ko yung pangyayaring yun.
5. yung perang yun, part of my savings since high school, napabayad lang doon
6. mahiyain akong tao
7. i don't talk too much kapag bago ko pa lang kilala
8. afraid of being rejected
9. basta alam kong tama ako, laban kung laban, hindi kita uurungan
10. i am not perfect
11. marunong akong maggitara
12. pero hindi ako marunong kumanta
13. i am a loner, masaya ako kahit solo lang ako
14. i hate liars
15. pangarap kong yumaman at makatulong sa mahihirap
16. i will get married when i'm 30, no matter what.. hehehe
17. mas gusto kong matulog kesa gumala
18. isa lang ang credit card ko (HSBC... Hindi Sya Basta Card)
19. i can sleep anywhere, basta inaantok ako.
20. i have three bank accounts (BDO, EPCI, BOC)... may savings na tigkokonti.

magtag daw ako depende kung ilang minutes ko sinulat to... it took me 10 minutes sa kakaisip. pero mukhang lahat nakagawa na... kahit sino na lang.

kung hindi pa kayo satisfied dyan... read this. karagdagang kaalaman tungkol sa akin..

yun lang!

pacute

while blogging last Sunday, nakita ng pamangkin ko itong blogsite ko, at syempre, yung picture kong yan. tawa sya ng tawa, tapos ginaya nya. e natawa ako sa mukha nya... pinaulit ko sabay picture... yan ang kinalabasan. wala lang.


"harrieth's kukote"


Friday, October 21, 2005

gusto nyo ng bag?

ako muna ay magpapacontest... pero isa lang ang mananalo, paunahan na lang... hehehe... ang premyo, yung travelling bag na nakuha ko sa seminar ng intel last week. e nakatambak lang dun sa bahay, sumasakit lang ang mata ko, ipamigay ko na lang.. hahaha. pero magpacontest na nga lang ako..., iisa yun eh... so hirapan ko na lang ang tanong. open kahit kanino, to claim, puntahan nyo ako dito sa office after 6pm, ok? basta sulat nyo email address nyo dyan sa comment para maemail ko yung details, ok? ok.

ganito kasi yun... during my school days... ang dami kong namemorize na formula at mga codes na wala namang silbi sa buhay ko ngayon, pero natatak na sa utak ko, na kahit bagong gising ako, itanong nyo at masasagot ko... like yung Every Good Boy Does Fine.. di ba? sa music yan... EGBDF, yung mga letra sa linya sa limguhit. tapos dun sa spaces... FACE. grade 4 yata yan itinuro, hanggang ngayon, tanda ko pa. e yung sohcahtoa... trigonometry codes yan... sine is opposite over hypotenuse, cosine is adjacent over hypotenuse and tangent is opposite over adjancent. tama? basta. pati yung trigonometric identities na sine squared theta plus cosine squared theta equals 1. yung quadratic formula, hanggang ngayon, di ko rin maalis sa kukote ko... x equals negative b plus or minus square root of b squared minus four ac all over two a. ano pa ba? syempre, yung phytagorean theorem, nakasaksak na rin sa kukote ko yan, in a right triangle...the sum of the squares of the legs is equal to the square of the hypothenuse.

ok, so ano ngayon kung alam ko yan? ewan ko nga, di ko maalis sa utak ko eh. wala namang practical usage sa ginagawa ko ngayon... hehehe. pero may isang code akong natandaan... hanggang ngayon tanda ko pa rin, na natatawa na lang ako kung anong ibig sabihin nun. ito yun o..

super power now on lucia's mind... j. c. jets.

hanggang ngayon, tanda ko pa yan... kung nag-aaral ka ng rizal na subject, kung alam mo ang ibig sabihin nyan, may 11 points ka na kaagad sa enumeration type na exam. yan ang pasasagutan ko. ano nga bang ibig sabihin nyan? ok... clue.. yung mga bold letters... it connotes something. starting letter ng 11 something na connected kay rizal. at ano ano yung 11 something na yun? ilista nyo dyan sa comment box... hehehe. mahirap ba? madali lang... nasa chapter 1 pa lang siguro yan ng buhay ni rizal. ok... isipin nyo.. ang unang makapagsabi ng tamang sagot... ibibigay ko talaga yung travelling bag. yun nga lang, kunin nyo dito sa office ;)

di muna ako magpopost hangga't walang nakakasagot nyan... hehehe. happy weekend!

Thursday, October 20, 2005

after thoughts

wala lang... picture yan ng mga pamangkin ko... bigla atang lumaki yung lalaki kong pamangkin? nope, pamangkin ko yan sa pinsan. wala lang ulit... namimiss ko lang ang pagiging bata. walang problema. ang saya-saya, puro laro, kahit tuyo ang ulam, o tinapay na may palamang peanut butter ang meryenda, masaya na ako nun. walang playstation, walang counterstrike... taguan, at barilan doon sa likod bahay namin. bangka-bangkaan, lumalangoy sa baha kapag umulan ng malakas at bahang baha yung kanal sa amin... pumupunta sa manggahan na hindi naman kami ang may tanim para lang manglimot ng patak na mangga... kumakain ng tubo (sugar cane) na inihahagis ng mga taong sakay sa trak ng tubo kapag dumaraan doon sa baranggay namin.... habulan sa kalye dahil wala namang masyadong dumaraang dyip... suntukan... oo, nung bata ako, may mga nakasuntukan din ako... hehehe, saksakan pa nga ng lapis. ewan. nakikipagkulitan doon sa dalawa kong kapatid... ngayon, wala na sila, may mga asawa na... ako na lang natitira... ewan ko ba. kung ano ano na namang pumasok sa kukote ko... sige, uwi na ako, bukas na lang ulit... bye!

nina, vl at uncyclopedia

last night, we went to hard rock cafe doon sa glorieta para aliwin ang aming sarili sa pakikinig ng mga awitin ni nina. sa totoo lang, first time ko napanood si nina na umawit ng live. ang masasabi ko, magaling sya. yun bang talagang napaisip ako, live ba ito o lip synch lang? kasi, parang nakikinig ka ng album nya, ganung ganun ang boses nya. pero totoo, live nga, kasi pinagkatitigan ko ba naman yung buka ng bibig... pati nga yung timing nya sa paghinga, sabay na sabay, kaya imposibleng lip synch, ganun talaga sya kagaling umawit. kasama ko pala doon si francis, si marco at ang kanilang mga partner... at kagaya ng dati, ako lang yung walang kapartner... pero ok lang, si nina naman, wala ring partner eh, hehehehe. i took some pictures, pero puro ilaw lang ang nakuha kaya hindi ko na lang ipopost. si francis daw, may post din about this, bisitahin nyo na lang yung blog nya para sa karagdagang detalye.

nakauwi kami, mag-aalas dos na yata ng umaga. pagdating ko sa bahay, ako ay nagulat. umaga na nga akong umuwi, ako pa yung unang dumating sa bahay... yung mga kasama ko... puro OT yata. natulog after having a long conversation with someone over the phone... tapos gumising at pumasok.

change topic... ayaw ko na pong umabsent, kahit na gaano ako kaasar sa boss ko. kasi, naubos na yung VL ko for this year... huli na yung absent ko nung monday, kaya yung tuesday ko, may kaltas na. kada absent ko na ngayon, may kaltas na sa sweldo, equivalent to my daily rate. yung kinaltas sa akin last tuesday... pwede ko nang ipanggasolina for 1 week eh... tsk tsk tsk. sa makati ako nagwowork at sa makati rin ako nakatira... konti lang yung gas ko, ok? hehehe. kaya ngayon, no matter how bad im feeling, kahit gaano ako kaasar... papasok na ako sa opisina, idadaan ko na lang sa blog ang sama ng loob ko!

kung wala kayong magawa.. matagal ko nang pinag-aaliwan tong basahin, kaso puro non-sense.. pero try nyo rin... visit nyo ang encyclopedia ng mga walang magawa... medyo offensive ang dating sa iba... so read at your own risk, ok? ito yun... the uncyclopedia.

yun lang.

tagtagatag

i was tagged by mei... ang babaeng dugong kape... at doon ko sa kabila sinagutan. tungkol ba saan yun? curious kayo? e di puntahan nyo... heto yung link. heto ang permalink.

yun lang.

Wednesday, October 19, 2005

back to normal

pinagbawalan na ako nung isa dyan na magpost about sa issue at baka lang daw sya ay mapaaway kapag tinira ako... hehehehe. so, ito na, case closed na para sa akin... wish ko lang... let there be peace on earth, and let it begin now. papasko pa naman... tama na ang tirahan, tama na ang palitan ng masasamang salita, tayo po ay magpatawaran na sa isa't isa. sabi nga ni papa jesus... love your enemies... anong pinagkaiba mo sa masamang tao kung mahal mo lang ang mga taong nagmamahal sa iyo? pareho lang kayo. kung talagang mga cristiano tayo na sumusunod sa aral ni cristo, come on, there is always a place for forgiveness... papasko pa naman, yung mga magkaaway dyan, hindi ko bibigyan ng regalo. laki pa naman ng bonus ko... hehehehe.

ngayon, balik sa buhay ko, natural, blog ko ito, buhay ko naman ang pag-usapan natin.. hehehehe. absent ako ng 2 days.... nung lunes at martes. yung lunes, talagang masama ang pakiramdam ko nun.. yung martes, balak ko na talagang pumasok nung hapon, half day ba, kasi feeling ok na ako, kaso, nung magtext ang boss ko, nainis ako.....sabi lang naman nya.... come this afternoon, you need to send projectxxx today, it is supposed to be yesterday! ewan ko, sama ng dating sa akin nung exclamation point, sinisigawan nya ba ako? ... alam ko naman kung gaano kaurgent yung project, e anong magagawa ko e may sakit nga ako? kaya nga plano kong maghalfday matapos lang yun... e nagreply pa sya ng ganyan... nagpaalam naman ako sa kanya nung monday, alam naman nya ang sitwasyon, kelangan pa bang isumbat sa akin??? e asar nga ako, itinuloy ko na ang absent ko maghapon, at di na ako nagtext.

ngayon, pumasok ako ng office, parang walang nangyari, yung urgent daw, eto, ginagawa ko habang nagbablog... hahaha. urgent urgent... e lagi naman akong nakaCC sa email nila, e wala pa namang deadline yun... lokohin nya na ang iba, wag lang ako... at magkakaloko-loko buhay nya. hahaha

don't judge

ako ay nagboblog sa office, malimit, almost everyday, at ang IP address ko ay 222.126.116.252. pero hindi lahat ng magcocomment sa tagboard nyo na may ganyang IP address, ako ang may gawa, ok? nasa office kami, maraming computer dito, pero when accessing the internet, yan ang public IP address na makikita nyo when we send email, post comments on your blog, sumigaw sa tagboard nyo. same IP address doesn't mean na iisang tao yung gumagamit nun. maaaring officemates ko. really? opo... totoo... magresearch kayo, magtanong sa mga network administrator nyo kung totoo yang pinagsasasabi ko.

"don't judge a blogger by his I.P. address."


Tuesday, October 18, 2005

parehong IP, iisang tao???

3 days akong offline, from sunday hanggang kanina, ngayon lang ako nakapagpost, at nakapagbloghop. at nagulat ako, after 3 days of not doing anything, mukhang nagkakagulo na sa blogosphere.

this is a free country, everyone can say whatever he wants. some people might favor your opinion, some might not. di ba? e bakit nyo ba inopen yung comment box, tapos kapag may nagcomment ng masama, you'll take it against them? come on, blog mo yan, kung hindi mo trip yung mga komentaryo nya, pwede mo namang idelete, you are the master of your own blog. kayo? may nakita na ba akong nakaaway dito? leave a nasty comment and i'll just delete it, ni hindi nila mapapansin na dumaan ka. sabi nga nung nabasa ko, being ignored, mas masakit than being hated.

now, can you blame someone for posting nasty comments on your blog? e kung hindi nya trip yung sinulat mo, nilagyan mo sya ng option to react, natural magrereact yan. tapos, usok na tenga mo kapag nabasa mo? e blog lang yan, kaw naman may-ari, e di idelete mo.

sa nangyayari ngayon, same ip address... magkaibang personality... etc, etc. hhhmmm.. nakakapagtaka, di ba? but everything has an explanation... ito po, nagexplain na si mildred sa blog at sa mansyon namin, bahala na kayo kung maniniwala kayo o hindi. di ko pa sila nameet, pero nakausap ko na sila, thru text, call and email. sila, iisa? natatawa talaga ako. parang sinabi nyo na rin na ako at si francis, iisa, kasi, pareho IP address namin... pati pala si marco, iisang IP ang ginagamit namin... magkakaibang laptop ang gamit namin, pero iisang IP. what more yung most of the time, iisang laptop yung ginagamit?

ngayon, sa lahat ng nagpost ng masama, nanlait, nagmura sa pinsan ko... isa lang masasabi ko.. kung dyan kayo masaya, suportahan taka... and May GOD bless you. sana, masaya na kayo matapos nyo syang pagpyestahan...

Visitor friendly site??? how could you be friendly with your visitors if you hate your neighbors??? parang ang sama yata ng ugali nyo... welcome kayo dito! pero wag kayong dadaan dun sa kabila! hahahaha!!! ang babait nyo! hindi nyo pa naririnig yung explanation ng kabilang panig, kanya kanya na kayong tirada.

ok, the comment box is open... ako naman ang tirahin nyo... pareho kami ng IP address ni francis... anyway, iL just delete all your nasty comments... hehehehe.

Sunday, October 16, 2005

titig at awit

i was tagged by flex j, at ito na ang sagot ko.

a. Is It Really Bad to Stare? depende kung ano at sino ang tinititigan. kung ang tinititigan mo ay ang iyong asawa, kahit ano pang titigan mo sa kanya, ok lang, di ba? kahit nga hawakan mo, pwede... hehehehe. ano ba naman itong sinasabi ko... berde ata utak ko ngayon..hehehe. pero for a complete stranger, titigan mo, ok lang din kung sa mata ka tititig, showing intention that you like him/her to meet... basta sa mata lang ha, pero kung sa ibang body parts... wag naman titig, sulyap na lang.. hahahaha!

b. Do You Have a Favorite Song? wala eh, kahit ano, pinapakinggan ko. depende sa mood, pero favorite? wala talaga. siguro sa church namin... yung doxologia.

yun lang po

Friday, October 14, 2005

gasolina

mamayang gabi, uwi nako sa batangas, kailangang kailangan at baka pag di ako dumalaw ay ako ang dalawin... peace tiyo!

wala lang, natutuwa lang ako sa kantang ito... pero hindi ko naintindihan! hehehehe, parang nagrereklamo ata dahil mahal ang gasolina? a ewan... basta, enjoy ko syang pakinggan. turn off your mp3 players... pump up the volume and dance with gasolina!!! happy weekend sa inyong lahat!

Gasolina

Daddy Yankee

Da - ddy Yan- kee !
sube mi mambo pa' que mi gata prenda los motores,
sube mi mambo pa' que mi gata prenda los motores,
sube mi mambo pa' que mi gata prenda los motores,

Que se preparen que lo que viene es pa que le den, Duro!

Mamita yo se que tu no me va quitar(duro!)
Lo que me gusta es que te dejas llevar (duro!!)
todo los weekenes ella sale a vacilar (duro!!)
mi gata no para de janguiar porque

A ella le gusta la gasolina (dame mas gasolina!)
Como le encanta la gasolina (dame mas gasolina) 2x

Ella prende las turbinas,
No discrimina,
No se pierde ni un party de marquesina,
Se acicala hasta pa' la esquina,
Luce tan bien que hasta la sombra le combina,
asecina, me domina
janguea en carros, motoras y limosina,
Llena su tanque de adrenalina,
Cuando escucha el reggaeton en la cocina.

A ella le gusta la gasolina (dame mas gasolina!)
Como le encanta la gasolina (dame mas gasolina!) 2x

(yo!)Aqui yo soy de los mejores
No te me ajores
En la pista nos llaman "Los Matadores"
Tu haces que cualquiera se enamore
Cuando bailas al ritmo de los tambores
esto va pa'las gatas de to'colores
Pa' la mayores, pa' la menores
Pa' las que son mas zorras que los cazadores
Pa' la mujeres que no apagan su motores

Tenemo' tu y yo algo pendiente,
Tu me debe' algo y lo sabe',
Conmigo ella se pierde,
No le rinde cuentas a nadie 2x

sube mi mambo pa' que mi gata prenda los motores,
sube mi mambo pa' que mi gata prenda los motores,
sube mi mambo pa' que mi gata prenda los motores,
Que se preparen que lo que viene es pa que le den, Duro!

Mamita yo se que tu no me va a quitar (Duro!)
Lo que me gusta es que te dejas llevar (Duro!)
todos los weekenes ella sale a vacilar (Duro!)
mi gata no para de janguear porque

A ella le gusta la gasolina (dame mas gasolina!!)
Como le encanta la gasolina (dame mas gasolina!!) 2x

coffee mate

pagpasok ko ng office, inalok ako ng officemate ko ng kape. hayun, naengganyo din akong magkape. tapos naisip ko... "ano kayang lasa ng coffeemate kapag walang kape?" natry nyo na ba yun? magtimpla kayo ng cofee mate lang? walang kape? hehehehe. di ko pa sinubukan, siguro, try ko mamaya... hahahaha!

milk on my cereals... coffeemate on my water... make sense to me... hehehe.

Thursday, October 13, 2005

notebook

last monday... kinaladkad ako ng boss ko papunta sa seminar sa manila peninsula. alam nyo naman ako, kaladkarin... hehehe. it was an intel sponsored event. andun din ang pldt, microsoft at kung ano ano pa. actually, it was a scheduled event where attendees are invited, at invited nga kami, kung saan ifinorward ko rin yung invitation kay ron, kasama ko sa bahay. kaya pagdating doon sa venue, andun rin sya kasama ang mga kaopisina nya. isa sa mga dahilan kaya kami ay umattend, kasi, may raffle sila ng notebook computer sa katapusan ng seminar... hehehe, dami ko ngang dinalang business card eh, pero syempre, kakahiya din naman na maraming business card yung idrop ko dun... baka magdoble yung bunot sa pangalan ko ay nakakahiya.. hahaha.

4:00PM to 8:00PM yung schedule. dumating kami, 4:30PM na, akala ko, late na, aba at nung magparegister kami, binigyan pa kaming ballpen, yun daw ay reward for the early birds... hahahaha! late na nga, early bird pa raw.. hehehe. nagstart ata yung presentation, 5:30PM na.

product presentation... diniscuss nila yung mga produkto nila, after discussion, niraraffle nila yung business cards for consolation prizes. kapag nabunot na yung name mo, wala ka nang chance manalo nung notebook computer. ok naman, inabot naman hanggang sa raffle nung notebook computer ang business card ko, kaso, hindi sya yung nabunot. si ron, nanalo sya sa raffle, notebook din, kaso, yung totoong notebook in its original form.. hehehe, yung pwede mong pagsulatan ng notes mo using your ballpen!

after the event, may pakain din naman sila. sinulit na namin ang pagkakataon para kumain doon, sa halip na meryenda, dinamihan na ang hakot, kasama na ang hapunan. kakagutom kaya dun. may pinafill-upan silang survey form, tapos, pagkasubmit nung form, may bigay na travelling bag, may tatak ng intel. nagtake-out pa nga kami ng tinapay para doon kay leoncio... kasama din namin sa bahay na hindi nakaattend. hehehe. pasimple lang, kumuha ng tinapay, binalot ng tissue at inilagay sa bag... hahahaha. tapos, nung feeling busog na kami, sibat na kami pauwi.

yun palang emcee ng event, artista daw sya, babae, kasama daw sa bora, pero di ko matandaan ang pangalan. ewan ko, hindi pa sya ganun kasikat eh. mukhang makapal lang yung make-up kaya magandang tingnan. anyways, ok lang, at least, nagkaroon ako ng bagong bag at ballpen dahil sa event na yun, sayang lang talaga at hindi ko nakuha yung notebook... buti pa si ron, kahit papaano, nagkanotebook sya.. hehehe.

Wednesday, October 12, 2005

goof

"A goof in film making is an error made during movie production which finds its way into the final released picture." (from wikipedia).

may mga DVD ka bang nakatambak na lang? ilang beses mo na napanood at sawa ka na? kung wala kang magawa, minsan try mong bisitahin ito. hanapin mo yung title ng pelikulang sa tingin mo ay one of the best movies ever created... na pinakatago-tago mo yung DVD or VCD... kapag nakita mo... hayan, meron ka nang pwedeng gawin... nakalista sa site na yan ang mga goof sa pelikula mo... sa halip na kwento yung pagtuunan mo ng pansin... yan naman ang hanapin mo... hehehe. sinubukan ko minsan doon sa pelikulang Independence Day.... at totoo nga yung mga nakalista. ito yung isa sa mga madali kong nakita... yung ref na kumakain ng laman nya.. hehehe

"When Connie and David argue, David opens the refrigerator door, and we see several items (a milk carton and a few bottles) on the shelves inside the door. When Connie opens the refrigerator a moment later, those shelves are empty."

yun lang.

life must go on

una sa lahat, ako ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiramay, sa mga nagcomment sa comment box, sa mga sumigaw sa tagboard ko at sa mga nagtext sa akin. maraming salamat. salamat, salamat, salamat. nagsulputan ang mga bihirang magcomment... salamat talaga sa inyong lahat. talagang ganyan ang buhay, lahat naman tayo, hahantong dyan, una-unahan lang yan, life must go on sa aming mga naiwan. sa friday pa ako makakapunta sa burol, sa huling lamay, interment will be on saturday.

life must go on... tama. and this blog must go on. kanina lang, natuloy na yung naunsyaming presentation namin sa singkit na bangko. heto, pumasok na naman akong naka-longsleeves with tie, pero this time, hindi na ako nanghiram ng maiisuot... pinaghandaan ko na. picture ulit, panglagay sa blog, yan, andyan sa baba, nagpapicture din ako ng whole body, kaso ang pangit, wag na lang, baka di na kayo magbasa nito kapag nakita nyo... hehehe.

so how's the presentation? ok lang, everything went fine. tatlo kaming nagsalita sa unahan... si sales manager... si boss ko... at si ako. ewan ko ba, nung ako na ang magsalita, saka umulan ng tanong, yung dalawa, hindi man lang tinanong nung magpresent sila. pero ok lang, at least, alam kong may nakikinig sa akin.. hehehe, at syempre, binagyo ko sila ng sagot. hehehe. the presentation lasted for almost 2 hours. pito yung audience namin, head ng kung ano anong department dun sa bangko... merong taga IT, taga customer support.. etc... yun nga lang, absolute mineral water lang ang natikman ko sa kanila. ok lang, syempre, palitan ng business card... nadagdagan na naman ako ng contacts na pwede kong pagpasahan ng resume in the future.. hehehehe. pag-aaralan pa daw nila yung mga proposal, irereview, by next year pa raw siguro matutuloy yung project, so ganun yun, maghihintay na naman kami.

ok, tama na, mahaba na ito... yan na ang picture ko.


"dont frown, even if you're sad..."



Tuesday, October 11, 2005

ang tiyo ko

gusto kong umuwi ng batangas, pero napakaimpractical naman ata, uuwi ako, tapos, pasok ulit bukas... sa friday night na lang siguro, since saturday pa naman ang libing ng tiyo ko... di naman siguro sya magtatampo...

ang tiyo ko, pangalan nya ay zoilo africa. yup, africa po yung middle name ko, kapatid sya ng inay ko. biktima rin sya ng diabetes, kumplikasyon sa baga. gusto ko lang irelate yung buhay nya ayon sa aking pagkakilala sa kanya...

ilang beses din syang nag-abroad dati, kung ano anong trabaho ang pinasok nya. marunong sya sa electrical, pipefitting at kung ano ano pa. nakagisnan ko syang malimit mag-abroad, kuwait, libya, iraq, mga narating nya yan. may tatlo syang anak, dalawang lalake, isang babae. lahat nag-aaral pa hanggang ngayon.

i think, it was 5 years ago nang hindi na sya matanggap ng kahit anong agency papuntang abroad. lagi na kasing bagsak sa medical... at dahil doon, nag-iba sya ng diskarte sa buhay. nagnegosyo sya... mahal na mahal nya yung kanyang mga anak eh, gusto nyang pagtapusin sa pag-aaral. nag-umpisa sya ng pagtinda-tinda ng bananaque doon sa tapat ng bahay nila sa batangas. tapos nun, naisipan nyang magtinda ng adobong mani. dumami ang kanyang paninda, sako sakong mani yung niluluto nya linggo-linggo, nirerepack, inilalagay doon sa maliliit na plastic. nagrerepack din sya ng clorox, paminta at mga bawang. nagkaroon pa ng konting pwesto sa palengke. halos araw-araw, makikita mo sya, dala-dala yung paninda nya, mukha syang nagtitinda ng ice candy, kasi, yung lalagyan nya ng paninda, ganun ang itsura. bawat baranggay doon sa batangas, may nirarasyunan sya nung paninda nya. araw-araw daw, iba't ibang barangay yung pinagdadalhan nya, mga tindahan rin, every week sya kung bumalik sa kada baranggay. dahil doon, medyo guminhawa din ang kanilang buhay... nakakuha ng tricycle na hulugan... ginagamit pa rin doon sa pagdeliver ng mga produkto nila. tuloy ang pag-aaral nung tatlo kong pinsan... na katukatulong din nya tuwing gabi sa pagrerepack nung mga products nila.

nitong nakaraang mga araw lang sya talagang naratay at hindi na makapagtrabaho. yun nga, nagkakumplikasyon daw ang baga. hindi sya naninigarilyo. siguro, dahil sa araw-araw na trabaho nya sa labas, naoverfatigue yung baga nya, nahaluan pa ng pagiging diabetic nya. 2 weeks ago nga, nagpaalam na sya sa akin. huling pagkikita namin ay noong dalawin namin sya ng mother ko sa hospital. nakalabas sya last monday, tapos, dinala ulit nung tuesday... kahapon lang sya nailabas ulit, at kaninang umaga nga, i received the bad news.

he's one of the best father i met...

kinopya

received a bad news this morning... my uncle already passed away... hirap talaga ng mawalan ng mahal sa buhay... tsk tsk tsk.

may bago akong background music. got the link from the saint... kinopya lang pala ng orange and lemons yung music. galing nilang manggaya... at sumikat pa! ito, ginawa kong background ng blog ko ... ninenok ko rin dun sa original link. wala akong mp3 nyan, kinopya ko lang yung embed tag nila... ok?

yun lang po.

Monday, October 10, 2005

do by

nung nakaraang sabado, napanood ko nga ang dubai dahil sa walang magawa. opo, ako lang, solo akong pumasok ng sinehan, trip ko eh.. hehehe.

anong masasabi ko? ok sya, good story. ang akala ko dati ay iikot sa love triangle ang istorya, hindi pala, kasi, hindi bilog ang triangle, mahirap umikot... hehehe. . kwento pala ito ng magkapatid.

sa umpisa, nakarelate ako. natuwa ako sa setting nila, kasi middle east, sa dubai nga. naalala ko tuloy ang kuwait. halos pareho sila eh, parehong itsura ng kalye, ng mga tindahan, ng mga sign boards na written in arabic at english, ng mga puno, at pati yung trip nilang magpicnic sa tabi ng dagat sa gabi... parang gusto kong bumalik sa kuwait eh, nung nasa kuwait kasi ako, almost every week, picnic din kami sa tabing dagat kapag gabi, kasama yung mga nakilala kong mga friends doon. yung masafi mineral water... yan din ang iniinom ko sa kuwait! aba at sponsor pa yata nito.. hehehe. anyways... nalalayo ako.. balik sa dubai.

ok yung istorya, nakarelate din ako, lalo na't im raised by an OFW din. ipinakita kasi kung anong mga hirap ang dinaranas ng isang OFW maibigay lang ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay sa pilipinas. hirap nila na madalas na hindi natin naaapreciate. na andun sila, nagpapakahirap manilbihan sa ibang bansa.

ang ayaw ko lang sa istorya... parang ang cheap ng dating ni claudine. imagine, magkapatid, pinatulan! ewan ko, ang sama ng dating. wala lang.

masyadong hindi obvious na western union ang isa sa mga sponsor nila, lalo na ng dumating si claudine, nung nasa airport sya! anak ng teteng... natawa na lang ako, puro western union ang nakita ko... di ko na nga naintindihan yung pinag-usapan ng mag-ina... puro western union nabasa ko.. waaaa.

ewan ko kung nagkamali ako ng pandinig or talagang mali yung script nila, meron kasing ganitong usapan eh...

aga: "sabi ko sa iyo, kayang kaya mo yung trabaho eh."
john loyd: "kuya, hindi lang kaya, kayang kaya ko pa."

gusto ko sanang ulitin yung panonood, marinig lang yun to confirm, kaso, gabi na, kaya hindi ko na naulit. kelan kaya mauuso sa sinehan yung pwede mong iparewind ng konti kapag may gusto kang marinig ulit? hehehe. kayo na lang magconfirm kung nabingi nga ako or may mali talaga sa script... hehehe.

comment ko pa... ang ganda ni claudine... ang laki! nyahahahaha!! kaya siguro nakabili ako ng FHM, dahil dyan... waaaaahHH!!!

last comment, mukhang mali yung title... kulang... dapat... DUBAI Big Brother... hehehe.

recommendation... kung asar kayo sa isang tao at gusto nyong paiyakin, isama nyo dito.. kung gusto nyong paiyakin ang girlfriend nyo, nanay nyo o kahit sino... yung mga mababaw ang luha, isama nyo sa panonood nito. tapos sabihin mo, pustahan tayo, pag umiyak ka, ililibre mo ako sa susunod na panonood natin ng sine.

my weekend

noong sabado, nagpunta lang ako sa toyota for a scheduled maintenance of my car. nagpunta sa sm batangas, gumala. nakita kong palabas sa sinehan yung dubai, and since wala akong magawa, pumasok ako sa sinehan at nanood, i'll give my movie review on my next post. pagkatapos nun, lumabas, narinig ang kantang "in or out", at ang daming tao, nakita ko si sandara, nakita rin nya ako, ewan ko lang kung napansin nya ako... hehehe. tapos, bago umuwi, napadaan sa booksale.. nakita ko yung FHM magazine, si angel locsin ang cover. can't help myself not to buy it. hayun, napabili ng hindi oras, parang inaakit ako ng mga ngiti nya eh... hahaha. tapos nun, umuwi, natraffic ng isang oras dahil binaha yung kalye on my way home. pagdating sa bahay, tumambay ng isang oras, nareceive ang text ni allan, sabi nya... "asan na kayo, punta na kayo dito." birthday bash kasi ni ron. nagpaalam sa bahay (wala kasing tao, ako lang,hehehe), nagdrive papunta doon kina ron. pagdating doon, may mga nagiinuman, di ako nakiinom. pulutang kalderetang kambing lang ang tinira ko at coke, konting kwentuhan hanggang magkayayaan na magpunta raw kami sa brunch. nagpunta kami sa brunch, may videoke dun, di ako kumanta. tapos, may tumugtog na banda, puro babae sila. ok naman yung kanta, magaling yung vocalist, maganda ang boses... boses lang. hahahaha! nung matapos na silang kumanta, nagkayayaan nang umuwi. on our way home, napadaan sa caltex, bumili ng siomai, nagkape. may napansin kaming magandang babae, mukhang fil-am, may dalang pusa, persian cat ata yun, nagkakape rin kasama yung mga barkada nya, tanaw lang namin. sabi ko sa kasama ko, pakilala tayo, ang ganda nang pusa nya... sabihin lang natin... "hey, i like your pussy" hahahaha! sabi naman nung isa kong kasama... mas maganda raw "can i touch your pussy?" hahaha. pero hindi rin namin nilapitan, nakuntento na sa patingin tingin... hahahaha! pagkatapos nun, umuwi na kami talaga, pagdating sa bahay, nagpahinga, may kinausap, natulog.

yan ang sabado ko. yung linggo ko, nothing much, went to church, pagdating sa bahay, natulog maghapon. gumising, kumain, nood balita, nood PBB, check ng mails, may kinausap, natulog. tapos nun, nagising, umaga na, hayun, lumuwas ng manila, back to work na ngayon!

Friday, October 07, 2005

easter eggs

easter eggs... yan ang tawag nila sa mga hidden codes, hidden application, hidden messages, sa isang software. easter egg, kasi, you have to find it. since college, natripan ko ring maghanap nyan... thanks to this site... ang dami kong nahuli! ang favorite ko dati, yung hidden 3d race game sa ms excel 2000. ang daming steps bago mo mapalabas. tapos may game din na nakatago doon sa macromedia flash. pati yung nagliliparang names ng programmer ng internet explorer... nakita ko rin doon sa lumang version! ang dami... lately sinubukan kong bisitahin yung site kung merong bago. and since i am using firefox, me nahuli akong dalawa dito, i'm using the latest firefox version.

ito yung una... actually, hidden messages lang. type mo sa address bar yung "about:credits" (without the quotes) makikita mo ang pangalan ng mga taong nagtulong tulong para matapos ang browser na ito!

yung isa pa... "about:mozilla" without the quotes din syempre... may makikita kang hidden message in red background!

yun lang, ang dami pang ganyan dun sa site na yun, halos lahat ng application, merong nakatago. mga walang magawa siguro itong mga programmer at natripan pang lagyan ng hidden codes... hehehehe.

yun lang

utang utang

nung bilhin ko yung cellphone ko, kasama na yung smart sim ko, that was way back 2001 yata. and since then, hindi pa ako nagpalit ng number. i just upgraded my sim card nung lumabas na yung 64K na sim, pero i used the same number, at hanggang ngayon, yun pa rin ang number ko.

dati, pang text at calls lang yung gamit ng sim ko. ngayon ko pa lang naappreciate yung ibang features nya, like mobile banking and smart money. kanina lang, in less than 5 minutes, nakapagtransfer ako ng pera from my atm account to a friend in qc na hindi umaalis dito sa office. nagtext lang sya... nashort daw sya ng pera, e kailangan nya, urgent, babayaran naman daw nya bukas. mga isang milyon lang naman yung inuutang nya... hehehe, joke lang. madali naman akong kausap, basta kilala ko at subok ko nang tumutupad naman sa usapan e walang problema sa akin. . e wala na akong pondo sa smart money ko kanina. anong ginawa ko?

ganito lang... yun kasing atm account ko kung saan idinideposit nina bossing yung sweldo ko, naka-activate sa mobile banking ng smart. so dalawang text lang, nasa kanya na kagad yung pera ko.... unang text, transfer ko yung pera from my atm account to my smart money... tapos, sunod na text, smart money to smart money.. hayun, solve na problema nya. may smart money din kasi sya. nagtext ngayon, nawithdraw na daw nya... hehehe.

dati, ang pera, isang linggo o higit pa bago matransfer from one place to another, ngayon, minuto lang. ibang klase talaga ang technology ngayon!

napag-usapan na rin lang ang pera at utang... ito naman ay para doon sa mga nagsamantala sa kabaitan ko... masyado akong nagtiwala, hindi ko akalain na gagawin nyo sa akin yun. di ko na rin kayo masyadong hinahabol, sayang lang ang panahon ko. yung hanggang ngayon ay pinagtataguan pa rin ako... sige, magtago kayo... hindi ko na kayo hinahanap... buhay pa naman ako at tuloy ang financial blessings ko... kung kaya ng konsensya nyong magtago na lang ng buong buhay nyo sa akin eh, bahala kayo! tatawanan ko na lang kayo kapag sinusunog na kayo sa impyerno dahil sa pag-agrabyado nyo sa akin. hahahahaha!!! masama ba ako?? ewan, hanggang ngayon, naiinis pa rin ako kapag naaalala ko ito...

after 1 year na hindi nagbabayad at nahanap ko nung nakaraang january, ito ang sabi... "promise... sa august, magbabayad na kami... gipit lang talaga"... ako naman, pumayag... dumating ang august... "pasensya na... talagang gipit lang kami, wala kaming maibayad eh." madafaka! kaya hindi kayo umasenso eh, niloloko nyo ako eh. imagine, binigyan ko na sila ng hulugan option... parang bumbay na nga ako, makabayad lang sila... 500 pesos per month, ayaw nila, sa august na lang daw at sure na sure na yun. pumayag naman ako, walong buwan, di nila pinaghandaan! hayun... dumating yung august, yan ang sagot sa akin! hayun, mula nun, di ko na sila kinontak. Dyos na ang bahala sa kanila.

yun lang.

nmjc

nmjc... yan ang sagot ng kachat kong amerikana nung nasa kuwait ako minsang tanungin ko sya ng how are you. malay ko ba kung ano yun... pero di ko tinanong kung ano, sinearch ko na lang sa google... yun pala yun... nothing much, just chilling. wala lang, gusto ko lang isulat dito... hahaha.

pumasok ako sa office, naubos na pala yung matitino kong tshirt, naiwan ko pala sa batangas yung iba kong tshirt. e kapag friday, wala kaming uniform, alangan namang magpolo ako... hayun, yung tshirt ng company namin ang isinuot ko... yung pang-give-away kapag may mga event kami. hayun, mukha tuloy akong engot dito. hahaha!

kagabi, lumabas kami ng mga kasama ko sa bahay. naglibre sya, kasi, paalis na sya next week papuntang singapore. konting kain, konting inom, konting kape. tapos uwian na. alas dos na ng umaga kami nakauwi. nasita pa kami ng makati police... kasi, paglabas namin ng bar, pagsakay sa kotse, sabi ko, pahinga muna ako... di ko pa kaya magdrive. so, dun lang kami sa kotse, mga 30 minutes lang naman siguro yun... may dumaang makati police patrol, tinutukan kami ng flash light. pero di kami pinababa, tinanong lang kami, kung anong ginagawa namin dun. so sabi ko... nagpapahulas lang, nag-aalis ng tama... pero paalis na rin kami. hayun, sabi nya, they're just doing their job, may oplan sita daw sila tuwing gabi. tapos nun, umalis na sila, tapos, umalis na rin kami after siguro 5 minutes, nahulasan na kasi, ikaw ba naman ang masita.. hahaha!

uwi ako ng batangas mamaya after 6pm. kailangan kong umuwi ngayong gabi. importanteng makauwi ako. bakit? wala lang.

hirap pala magtrabaho pag may hangover!!!

Thursday, October 06, 2005

bakit nga ba?

Mga tanong sa post ni Wendy...

Why do we talk to dogs and other pets in English?


Sa text, bakit sinasabing 'd2 n ME' kung puwede namang 'd2 n KO,' bakit kailangan pang palitan ng 'ME' ang 'KO' gayung pareho lang naman ang bilang ng letrang ginamit?

curious kayo??? alamin ang sagot sa aming mansyon! ito ang permalink nya.

Wednesday, October 05, 2005

programmer mode at patalastas

from hr mode last week, technical support nung isang araw, ngayon, programmer mode naman ako... may pinapaayos na application in C++, deadline ko, sa friday. ok lang, isang upuan ko lang yun kapag sinipag ako. siguro, mamayang hapon, gagawin ko na yun.

sample programming skills ko... hehehe
if (kukote_mode == programmer) {
blog_post = moderate;
blog_hop = moderate;
work_mode = full;
ym_chat = moderate;
ym_chat.status = invisible;
}
else {
blog_post = full;
blog_hop = full;
work_mode = idle;
ym_chat = moderate;
ym_chat.status = visible;
}
dun pala sa mga nag-apply dito na feeling ko ay qualified kayo, expect a call from us, at mageexam na kayo next week. anong type ng exam? secret, basta kung programmer kang talaga, masasagot mo yun.

patalastas... bukas na muli ang aming mansyon at maraming bagong salta! ang hindi bibisita, pangiT!

yun lang.

Tuesday, October 04, 2005

toyota vios taxi

pumasok pa rin ako ngayon, alas singko, wala lang, gusto ko lang magreimburse ng mga nagastos ko kagabi. at 6:00PM, babalik ako dun sa client namin sa roosevelt ave., quezon city. wala na namang gagawin... babalikan ko lang yung kotse ko, hindi ko nga naiuwi kanina, kasi naman, inabot ng coding.

baka naman isipin nyo, puro himutok na lang nababasa nyo dito. kanina, nang pauwi na kami at naghahanap ng taxi, muntik na kaming nakasakay sa taxing VIOS. yup! may nakaisip gawing taxi yung toyota vios! malas lang, naunahan kami nung isa, pero kahit naunahan kami, kuha ko kagad cellphone ko to take a picture of the taxi, baka sabihin nyo niyayabang ko kayo na may VIOS na ginawang taxi! kaya yan ang picture! i blurred the face of the woman, baka kasi sumikat pa sya... hehehehe.


"toyota vios taxi"

naidlip din pala ako ng konti kanina, hindi na kinaya ng powers ko eh, nung magising ako... kuhanan ba naman ako ng picture? hayan, mukha talaga akong ngarag!!! andito ang picture. click at your own risk! hahahaha!


sama ng loob

umaga na! nagpalit na ng date ang kalendaryo, pero heto ako, hindi pa umuuwi!!! andito pa sa client namin, nag-aayos ng problema, kasama ang isa ko pang officemate!!! nagpapakapuyat habang sina bossing e masarap na natutulog at makikibalita na lamang bukas kung anong nangyari!! o life, talagang unfair ka. buti pa yung dati kong bossing, hindi ka iiwan hangga't di ayos ang problema, talagang laging kasama sa overnight. e ito namang boss namin ngayon... hay... hay.... wala akong masabi... wala akong masabi. yan, napapagaya na ako sa kanya, napapagaya na ako sa kanya. kain na lang ako mamaya sa tokyo tokyo nang makabawi naman kahit sa reimbursables...

sige, nagpahinga lang at naglabas ng sama ng loob... back to work na ulit ako! good luck to us!

Monday, October 03, 2005

maling pwesto

ito, andito na kami sa kabilang office. akala ko, ang ganda na ng pwesto ko, ako kasi ang unang pinapili kung saang table ako, syempre, yung pinili ko, yung nasa sulok na walang makakadaan sa likod, yung kung gusto mo akong kausapin, makikita kita kaagad. yung may konting sense of privacy ehehehehe. kaso, badtrip pala yung napili ko! bakit??? sa hapon, umuulan!!! bakit, e nasa taas ko mismo yung aircon, e hayun! tumutulo na sa hapoN!!!! kailangan ko pa atang magpayong!!!

picture picture

for the first time mula nung ipanganak yung pamangkin ko, last saturday lang ako nagkalakas ng loob na kargahin sya. natatakot kasi ako dati, maliit pa sya, baka mabalian ng buto kapag hinawakan ko e lagot ako sa kuya... hehehe. e ngayon daw ay malakas na sya... kaya hayun, kinarga ko na, tapos, picture picture. hayan ang kinalabasan.

"pwede na ba akong maging tatay?"... "tito... mag-asawa ka muna!!!"



tula ni tiyo

nagtutulaan sila! gusto ko ring sumulat ng tula, pero wala ako sa mood. i-recycle ko na lang ang tula ng aking tiyo... click this link.

yun lang. ngarag pa ako!

Sunday, October 02, 2005

personal driver mode

after going to church (totoo po, i go to church every sunday), sabi ng mother ko, punta muna kami sa hospital. dinalaw namin ang tiyo ko... nakaratay pa rin, pero he looks better now compared last week. kung dati ay namamaalam na sya at nagkaiyakan na nga, ngayon ay nagbibiro na ulit. sabi ng doktor, he'll be fine. pero sabi, di na pwedeng magtrabaho. sabi ng mother ko, lalakarin na lang daw sa SSS yung permanent disability benefit.

pagkagaling sa hospital, sabi ng mother ko, punta daw kami doon sa bestfriend nya, inihandog kasi yung unang apo. so, punta kami, syempre, may okasyon, nakalibre ako ng lunch... hehehe. siguro, after 1 hour ng pakikipagchikahan ni mother, nag-aya na sya pauwi.

pagdating sa bahay, sabi nya, punta kami sa lipa, inimbita kasi kami ng kuya, birthday ng asawa nya. so, drive naman ako papunta sa lipa. dami ring handa, nakita ko na naman ang pamangkin ko. ang laki na nya at namumuti, sabi ng tiya ko, parang anak ko raw. libre meryenda naman kami... tapos nung pauwi na kami, binigyan pa kami ng pabaon. dumating kami ng bahay, alas sais na ng hapon. dahil sa halos maghapon ako nagdrive, pagdating sa bahay, bagsak ako, nakatulog.

nagising ako, 9:00PM na, kumain ng pagkaing galing dun sa birthdayan (libre na naman!). tapos nun, kinuha ko laptop ko, nagdial-up, at ginawa ang post na ito habang nanonood ng pinoy big brother.

yan ang linggo ko... naging personal driver ng mother ko at kumain ng mga libreng pagkain... hehehe. bukas daw, lalabas na sa hospital yung tiyo ko... ngapala, nung nasa hospital ako, may pumasok na nurse, binigyan ng gamot ang tiyo ko. nung makita ko yung nurse, parang gusto ko na ring magkasakit... hehehehehe! sabi nga... if you want a nurse, you have to be patient.

yun lang.

Saturday, October 01, 2005

walang pahingang sabado

nagdrive from manila to batangas, natraffic sa south superhighway dahil dun sa ginagawang kalye, dumating ng 10:00PM, sakto sa pinoy big brother... hehehe. after ng pbb, kumain, nagdial-up, nagblog hop at ginawa ang post na ito.

just an update with my uncle, isinugod pala ulit sa hospital last monday. ang dami daw nakuhang tubig sa baga. nakaconfine pa hanggang ngayon, i still don't know his real condition... dadalawin ko bukas. please, keep praying for him... thanks.

yung magulo kong kausap, medyo nagkaintindihan na kami kahit papano.. hehehe, salamat sa inyong mga komento... hindi po sya french. hahaha!

magkikita sana kami ng isa sa mga paborito kong blogger, kaso, hindi natuloy. medyo nagkagipitan sa oras... hayaan mo, we'll see each other soon... papapayat muna ako ng konti.. hahaha!

konting patalastas... i'm still accepting prepaid pinoy retailers at a minimum starting capital of 500 pesos. buzz nyo na lang ako sa yahoo messenger if you are interested. just a little update, si yax, isang blogger din dito, nagretailer sa akin, ito sabi nya sa blog nya on her random musing article on September 16, 2005 (di ko makita yung permalink, check nyo na lang blog nya kung saan ko ito kinopya... hahaha)
"it's been almost 2 weeks since i started my prepaid biz, and i'm happy to report that it's doing quite well. Thanks marhgil for the idea! For just simply a few clicks on my cellphone, i'm earning shopping money! :D "
minsan ko lang nakita si yax ng personal, nung magEB ang mga blogger nung birthday ni insang nao. yax, salamat sa pagtitiwala. up to now, hindi pa rin kami nagkikitang muli, pero tuloy ang business namin... paano? ganito lang naman yun... usapan namin thru SMS...

yax: marhgil, paload ako... meron ka ba dyang... (amount here)
ako: meron, send ka ng bayad
yax: (nagpadala ng bayad thru smart money, nagtext lang din)
ako: (received smart money confirmation na nagpadala na raw ng pera si yax)
ako: (send an SMS message to prepaid pinoy loading her account with the amount she bought)
ako: (received confirmation from prepaid pinoy)
yax: (received confirmation from prepaid pinoy)
ako: nareceive ko na ang bayad mo... naipadala ko na ang mga epektos... reply if received.
yax: ok, got it.

ganun kasimple, text text lang, hehehe. the whole transaction, less than 5 minutes siguro.

yun lang