Wednesday, October 26, 2005

kwentong mumu sa 27th floor

lahat ng ito, mga narinig kong kwento ng officemates ko during their stay doon sa dati naming office, kasama na rin pala yung personal experience ko...

ang auto-on na electric fan... gabi na yun, magkasama daw sa office si marco at si benjo. pinatay na daw ni marco yung electric fan dahil wala na namang gumagamit. pagbalik nya sa upuan nya, after ilang minuto, napansin nila, umaandar na ulit yung electric fan... weird.

ang boses ng babae... habang nag-OOT si benjo at francis, lakas daw ng tugtog ng mp3 players nila, nang walang ano-ano, nakarinig sila ng sigaw ng babae. siguro dahil sa takot, sabay silang umuwi.

ang nagtitimpla ng kape... yung dalawa kong boss na babae, nakaamoy daw ng kape at parang may nagtitimpla doon sa kapehan namin. pero wala namang tao, pero amoy nila yung aroma ng kape. umuwi na sila kaagad.

ang naglilinis ng sahig... hapon na yun, around 5:30 pm siguro. si francis naman, habang busy on his computer, feeling nya, parang may naglilinis ng sahig sa tagiliran nya. medyo malayo, hindi nya kita, parang nasa sulok ng paningin nya na may naglilinis. pero di nya pinapansin, ang nasa isip daw nya, janitor namin yun. tapos, walang ano ano, may tumalsik na basahan, nakita nya, napapasok doon sa ilalim ng aircon namin. tiningnan nya yung ilalim ng aircon, andun yung basahan, pero walang tao. wala yung naglilinis. tapos, naalala nya, hapon na nga pala, matagal nang nakauwi yung janitor namin... bigla na lang nya akong nilapitan at nagyaya nang umuwi. pinakita nya sa akin yung basahan... andun nga sa ilalim ng aircon. syempre, umuwi na rin ako.

ang nagpaamoy na multo... kamamatay lang noon ng presidente ng kumpanya namin. at ang pumalit na boss naming babae, sa cubicle nya nakapwesto. andun ako nung mangyari to... sabi nung boss ko dun sa isa pang boss... nagpabango ka ba? kasi, may naaamoy syang perfume. e wala namang nagperfume sa amin. mga alas tres ng hapon yun. hayun, tuloy empake sabay uwi yung boss ko, sa bahay na lang daw nya gagawin yung mga dapat nyang gawin... hehehe.

ang nagcocomputer na multo... dis-oras ng gabi, i need to go to the office, kasi, may webinar. seminar on the web, sa USA yun, kaya kailangan ako ang mag-adjust. nung magstart yung webinar, syempre, tutok ako sa computer, nakikinig. wala akong nakita, pero talagang may naririnig akong parang nagtatype sa keyboard nung isang computer sa kabilang cubicle. inisip ko na lang na daga yun... ang weird, nilakasan ko yung loob kong silipin. pag silip ko, wala akong nakita, pero tumigil yung tunog nang nagttype. tapos, pag-upo ko, ganun na ulit, tumunog na ulit. 3x ko sinilip, wala akong nakita, tumitigil lang yung ingay. tapos, kapag di na ako nakatingin, naririnig ko yung ingay. di ko na lang pinansin ulit... nung matapos yung webinar... tuloy uwi na ako kaagad.

ang multong tumagos sa pinto... this is a personal experience ulit. pauwi na kami ni benjo. naghihintay ng pagbukas ng elevator. nang lumingon ako doon sa may pinto ng office namin, nakakita ako ng ulo ng babae, nakasilip, parang yung katawan nya, tagos sa pinto, nakatingin sa amin. inalis ko kaagad ang paningin ko, tapos lingon ulit ako, paglingon ko. wala na sya.. siguro, split second lang yung pagpapakita sa akin. kita ni benjo yung reaction ko... sabi ko, may nakita ako. naniwala naman sya, iba daw kasi itsura ko, mukha talagang may nakitang kakaiba, totoo naman.

yan lang ang aking nakalap... ewan ko sa kanila, baka yung iba, hindi pa lang nagkekwento, kagaya ni akira posh na nung makaalis na dito, saka nagkwento.. hehehe. kung ako ang inyong tatanungin, may multo ba? wala. mga masamang espiritu yan na natutuwang makipagkulitan sa amin. hehehe.

yun lang!

4 comments:

shanang said...

Wow, ok pala yang ofc nyo.... i have somewhat similar experiences w yours... kaso nga lang mas madalas kasi pakitain ako ng mga MUMU! We also have three pets here at our ofc.... 26th flr naman kami ng isang ofc dito sa makati!

Good luck sa mga mumu!

Anonymous said...

yaiks!
natakot naman ako! nag-iisa pa naman ako dito sa bahay!

Anonymous said...

kainis ka!!! 12:30 na at ako na lang ang gising... waaahhhh!!! log off nako at matutulog na...

Dorothy said...

sa UP ang daming moomoo! from every historical period pa ng pinas ha. grabe, halos lahat yata ng gusali at sulok dun meron.