kami ay nagkita-kita sa mcdonalds bauan. at ako ay naengganyo doon sa mcfloat. anak ng teteng,sabi ko na lang sa sarili ko, minsan lang ito. hayun, sarap talagang kumain ng bawal...ang tamis kaya nun? hehehe. at di pa ako nasiyahan sa isa, umorder pa ako ng isa pa! after that, para na akong lasing. di naman nahilo, took my "pills" para siguradong ok ako. pagkatapos nun, naisipan naming magpunta sa sm batangas, andun daw kasi si kuba... si anne curtis. hayun, e di nagpunta kami. pagdating sa sm batangas, gala-gala muna habang wala pa si kuba. lakad dito, lakad doon. tapos, may makakasalubong kaming kakilala nila, or kakilala ko... sabi ko, iskoran na lang tayo! paramihan ng makikitang kakilala... hehehe. nagtagal, nakalimutan na ring magscore, pero siguradong ang panalo, si excel... e instructor sya eh, kita ko, bati na lang ng bati, mga estudyante nyang pagala-gala.
kakagala, nakarating kami sa quantum... laruan ng kung ano-anong videogames, parang timezone kung sa glorieta. anong ginawa namin doon? syempre, bumalik sa pagkabata, naglaro. nung bata ako, bihira akong makapaglaro sa mga ganyan eh, yung pambili ng token, iipunin ko pa sa baon ko. first time kong nakapaglaro nyan e nung first year high school na ako, nung magfield trip kami papunta sa manila, kung saan dumaan kami sa megamall. yung pabaong pera ng inay, doon ko lang naubos kakabili ng token, tuwang tuwa ako doon sa karera ng kotse. ok, nalalayo na ako.. balik tayo sa sm...
hayun nga, dahil nga may pera naman ako, naglaro nga kami doon. basketball, kakapawis. tapos, karera ng kotse. nung iisa na lang yung token ko, sinubukan kong gamitin dun sa pangsungkit ng stuffed toy, kaso, wala pa rin akong nasungkit. hehehe. nakarami rin kami nung ticket na pwedeng ipalit ng gift items. kaso, wala kaming trip na kunin... so nung narinig namin na kumakanta na si kuba... lumabas na kami doon, tapos yung mga ticket, ibinigay na lang namin doon sa isang bata... tuwang tuwa.
tapos, punta kami doon, natanaw lang namin si kuba... pero nakatuwid sya. hehehe. maganda na sana sya, kaso, kumanta ba naman ng live? naturn-off tuloy ako... hehehe. dapat, sumayaw na lang sya. anyway, di ko sya napicturan. nagkayayaan na lang kaming kumain sa pizza hut. umorder kami ng isang family pan pizza, stuffed crust. tatlo lang kami, pero naubos namin yun! hehehe. umorder kami, dalawang regular coke at isang bottomless iced tea. akin yung bottomless. nung ubos na nila yung coke, yung bottomless iced tea naman ang pinaghatihatian namin. tapos nun, konting gala pa, tapos nauwi na.
yun lang. korni no?
2 comments:
marhgil, bakit kuba ang tawag kay anne curtis?
hi jovs! sya kasi ang bida sa kampanerang kuba sa abs-cbn, sya yung kuba dun ;)
Post a Comment