life must go on... tama. and this blog must go on. kanina lang, natuloy na yung naunsyaming presentation namin sa singkit na bangko. heto, pumasok na naman akong naka-longsleeves with tie, pero this time, hindi na ako nanghiram ng maiisuot... pinaghandaan ko na. picture ulit, panglagay sa blog, yan, andyan sa baba, nagpapicture din ako ng whole body, kaso ang pangit, wag na lang, baka di na kayo magbasa nito kapag nakita nyo... hehehe.
so how's the presentation? ok lang, everything went fine. tatlo kaming nagsalita sa unahan... si sales manager... si boss ko... at si ako. ewan ko ba, nung ako na ang magsalita, saka umulan ng tanong, yung dalawa, hindi man lang tinanong nung magpresent sila. pero ok lang, at least, alam kong may nakikinig sa akin.. hehehe, at syempre, binagyo ko sila ng sagot. hehehe. the presentation lasted for almost 2 hours. pito yung audience namin, head ng kung ano anong department dun sa bangko... merong taga IT, taga customer support.. etc... yun nga lang, absolute mineral water lang ang natikman ko sa kanila. ok lang, syempre, palitan ng business card... nadagdagan na naman ako ng contacts na pwede kong pagpasahan ng resume in the future.. hehehehe. pag-aaralan pa daw nila yung mga proposal, irereview, by next year pa raw siguro matutuloy yung project, so ganun yun, maghihintay na naman kami.
ok, tama na, mahaba na ito... yan na ang picture ko.
"dont frown, even if you're sad..."
5 comments:
ganda ng porma natin ah! pormal na pormal!
una sa lahat, my deepest condolences, khit huli na ko. mahirap tlga mawalan ng mahal sa buhay, lalu pat kung malapit sayo..
mas cute ka talaga sa personal. hi hi hi
kaya ka pala inulan ng tanong kasi mukha kang seryoso! hehehe... at least mukha kang may alam! anyways, congrats sa presentation kahit di ko alam kung ano yun inaalok nyo... ;) sorry now lang ako nagparamdam, mejo dami ginagawa at iniisip. isa na dito ang matulog ng mahaba!!!!!!!! ;)
sorry to hear about your tito. i know how you feel kasi yung tito ko (mama's bro in law) ay namatay rin last week, tama ka life goes on..tuloy ang blog, di ba? okay ka sa porma ha..mukhang believable sa presentation. mabuti naman at natapos na yan. isang maligayang wekend sa iyo!
Post a Comment