last sunday, kumain nga kami sa pizza hut sa sm batangas nung magpunta kami dun para makita si kuba, and this sign... hayang picture sa kaliwa, got our attention. "Drop a card and get this... for Free!" yan ang sabi nila. Syempre, being in the IT industry, mga programmer who thinks like a computer, in other words, mga pilosopo... (ganun kasi ang computer, GIGO- garbage in, garbage out) ang nasa isip agad namin... magdrop lang ng card dun, bibigyan nila kami ng pizza for free! hehehe, di ba, yun naman talaga ang ibig sabihin nun!
so tanong kaagad namin kung totoo, kapag naghulog ng card doon, bibigyan nila kami nung pizza for free... hehehe. ang sagot sa amin... hindi po, iraraffle pa po yan. sagot ng kasama ko... mali yung nakasulat... misleading! dapat ang sinulat nila... "drop a card and have a chance to get this for free." sabi ko, hayaan na lang natin, iboblog ko na lang... hehehe. so, pinicturan ko... hehehe, medyo malabo lang. tapos heto, hayan, andyan na nga sa blog ko. misleading talaga, di ba? a ewan, basta, masarap ang stuffed crust pizza sa pizza hut, may libreng pizza man o wala. pero sa taga-pizza hut na makakabasa nito... ano sa tingin nyo? pilosopo lang ba talaga kami o misleading talaga?
8 comments:
aba..ako una..
i totally agree..dapat nga nilagay nila, 'get a chance to win...' ehheh hang kulit! dpat nagdemand kau ng pizza, tutal wrong grammar sila! buahahhah
thumps up!!!
not only in "pizza hut" but most promos are misleading.
as consumers we want to have the best buy for our hard earned money, promos are very enticing yet nakakaloko. kainis talaga ang add nila kasi pawang mga teaser lang pla tapos pagkumagat na ang kawawang mamimili... napeke na.
pobs... gusto nga naming gawin yun eh... natabunan lang ng hiya =)
velvet... nakakaloko nga sila. sana magbago na sila :)
hmm... misleading nga. dapat sa mga ganyan tinatanggalan ng e-vat at service charge ang presyo ng tinda nila, hehehe...
apat na years ako di kumakain sa pizza hut. why???? kasi.... kwento ko sayo sa text... kadiri... ;)
Di kaya umiral lang ung pagiging pilosopo mo. joke, in a way, misleading talaga, pero isipin mo pag ginawa nila ung gusto mo, bukas kaya may makainan ka pang pizza hut sa pilipinas :-)
Tsaka mawawala yung sarap ng stuff crust pag libre.. nakakadagdag sa sarap ung presyo nya.
haha. my bf used to work at pizza hut...di nga lang branch sa Batangas. anyway, misleading nga sila. andun pa ba yung poster nila sa labas nung kainan? ilan na kaya ang naloko ng sign na yun. hehe. kakagutom naman, gusto ko tuloy ng pizza.
basta promo ad...walang katotohanan ang mga pinagsasabi nila..there's always a catch, ika nga!
Post a Comment