Tuesday, October 11, 2005

ang tiyo ko

gusto kong umuwi ng batangas, pero napakaimpractical naman ata, uuwi ako, tapos, pasok ulit bukas... sa friday night na lang siguro, since saturday pa naman ang libing ng tiyo ko... di naman siguro sya magtatampo...

ang tiyo ko, pangalan nya ay zoilo africa. yup, africa po yung middle name ko, kapatid sya ng inay ko. biktima rin sya ng diabetes, kumplikasyon sa baga. gusto ko lang irelate yung buhay nya ayon sa aking pagkakilala sa kanya...

ilang beses din syang nag-abroad dati, kung ano anong trabaho ang pinasok nya. marunong sya sa electrical, pipefitting at kung ano ano pa. nakagisnan ko syang malimit mag-abroad, kuwait, libya, iraq, mga narating nya yan. may tatlo syang anak, dalawang lalake, isang babae. lahat nag-aaral pa hanggang ngayon.

i think, it was 5 years ago nang hindi na sya matanggap ng kahit anong agency papuntang abroad. lagi na kasing bagsak sa medical... at dahil doon, nag-iba sya ng diskarte sa buhay. nagnegosyo sya... mahal na mahal nya yung kanyang mga anak eh, gusto nyang pagtapusin sa pag-aaral. nag-umpisa sya ng pagtinda-tinda ng bananaque doon sa tapat ng bahay nila sa batangas. tapos nun, naisipan nyang magtinda ng adobong mani. dumami ang kanyang paninda, sako sakong mani yung niluluto nya linggo-linggo, nirerepack, inilalagay doon sa maliliit na plastic. nagrerepack din sya ng clorox, paminta at mga bawang. nagkaroon pa ng konting pwesto sa palengke. halos araw-araw, makikita mo sya, dala-dala yung paninda nya, mukha syang nagtitinda ng ice candy, kasi, yung lalagyan nya ng paninda, ganun ang itsura. bawat baranggay doon sa batangas, may nirarasyunan sya nung paninda nya. araw-araw daw, iba't ibang barangay yung pinagdadalhan nya, mga tindahan rin, every week sya kung bumalik sa kada baranggay. dahil doon, medyo guminhawa din ang kanilang buhay... nakakuha ng tricycle na hulugan... ginagamit pa rin doon sa pagdeliver ng mga produkto nila. tuloy ang pag-aaral nung tatlo kong pinsan... na katukatulong din nya tuwing gabi sa pagrerepack nung mga products nila.

nitong nakaraang mga araw lang sya talagang naratay at hindi na makapagtrabaho. yun nga, nagkakumplikasyon daw ang baga. hindi sya naninigarilyo. siguro, dahil sa araw-araw na trabaho nya sa labas, naoverfatigue yung baga nya, nahaluan pa ng pagiging diabetic nya. 2 weeks ago nga, nagpaalam na sya sa akin. huling pagkikita namin ay noong dalawin namin sya ng mother ko sa hospital. nakalabas sya last monday, tapos, dinala ulit nung tuesday... kahapon lang sya nailabas ulit, at kaninang umaga nga, i received the bad news.

he's one of the best father i met...

13 comments:

Anonymous said...

Condolence...wala akong ibang masabi...kundi... alagaan mo sarili mo...nasa atin iyong susi ng mahabang buhay... kung pano natin inaalagaan iyong katawan natin.

Manzkee said...

Kaibigan, I symphatize and I feel sorry for you. All of us will go there. They are now, maybe tomorrow we are. Life must go on and so your blog. Godbless the soul of your uncle. May he rest in peace!

Empress Kaiserin said...

condolence. may he rest in peace. wag ka ng uminom ng alcoholic beverages, bad for the liver...

Unknown said...

Condolence..may he rest in peace. Always take care and God bless

Anonymous said...

lagi ako busy kaya indi ako nakakadalaw sa bahay mo dre..

condolence..

Inya said...

condolence po.

Obi Macapuno said...

condolence man.

Anonymous said...

cOndolence po

kukote said...

salamat po sa inyong lahat! salamat, salamat, salamat.

JO said...

condolence Marhgil. may your uncle rest in peace.

Bluegreen said...

nakikiramay rin po...tama life goes on. And para sa namayapa na, a new life has just started. Be happy for him kahit malaking kawalan sa inyo.

Anonymous said...

Condolence po sa inyo... may he rest in peace...

shanang said...

my deepest condolences to you and your family.