after going to church (totoo po, i go to church every sunday), sabi ng mother ko, punta muna kami sa hospital. dinalaw namin ang tiyo ko... nakaratay pa rin, pero he looks better now compared last week. kung dati ay namamaalam na sya at nagkaiyakan na nga, ngayon ay nagbibiro na ulit. sabi ng doktor, he'll be fine. pero sabi, di na pwedeng magtrabaho. sabi ng mother ko, lalakarin na lang daw sa SSS yung permanent disability benefit.
pagkagaling sa hospital, sabi ng mother ko, punta daw kami doon sa bestfriend nya, inihandog kasi yung unang apo. so, punta kami, syempre, may okasyon, nakalibre ako ng lunch... hehehe. siguro, after 1 hour ng pakikipagchikahan ni mother, nag-aya na sya pauwi.
pagdating sa bahay, sabi nya, punta kami sa lipa, inimbita kasi kami ng kuya, birthday ng asawa nya. so, drive naman ako papunta sa lipa. dami ring handa, nakita ko na naman ang pamangkin ko. ang laki na nya at namumuti, sabi ng tiya ko, parang anak ko raw. libre meryenda naman kami... tapos nung pauwi na kami, binigyan pa kami ng pabaon. dumating kami ng bahay, alas sais na ng hapon. dahil sa halos maghapon ako nagdrive, pagdating sa bahay, bagsak ako, nakatulog.
nagising ako, 9:00PM na, kumain ng pagkaing galing dun sa birthdayan (libre na naman!). tapos nun, kinuha ko laptop ko, nagdial-up, at ginawa ang post na ito habang nanonood ng pinoy big brother.
yan ang linggo ko... naging personal driver ng mother ko at kumain ng mga libreng pagkain... hehehe. bukas daw, lalabas na sa hospital yung tiyo ko... ngapala, nung nasa hospital ako, may pumasok na nurse, binigyan ng gamot ang tiyo ko. nung makita ko yung nurse, parang gusto ko na ring magkasakit... hehehehehe! sabi nga... if you want a nurse, you have to be patient.
yun lang.
4 comments:
charing!!! at nainggit ka naman uncle mo kasi may nurse siya!!! hoist... hirap magkasakit!!! para kang si enzo, my 1year old kid, everytime i bring him to the hospital he gets excited when he sees nurses!!! at nagpapacute siya ha!!! tuwang tuwa ang mga hospital staff sa baby ko... pero di biro ang magkasakit... sakit ang injection! gusto mo lang siguro yun sponge bath!!!!! asus!!!! ;)
napakabait mo na anak! tuwang tuwa ko sa iyo na ipag-drive mo nanay mo na alang reklamo. kaya lagi ka siguro pinagpapala ng Diyos dahil isa kang mabuting anak, kapatid at kaibigan. 22o yun! di ba? may kapilyuhan ka nga lang minsa...siempre..tao lang!! muzta na kuya bear! lagi ko read blog mo! pede na maging "pambansang blog ng pinoy ang blog mo"..makatotohan..madamdamin..masaya..etc pa... gud day!
may bago ka na namang kawikaan!! "if you want a nurse you have to be patient" |lolz!| marami ako kilala nurse, pakilala kita gusto mo? =)
saint eroica... charing ka jan! hehehe. icompare ba ako sa 1 year old?? hehehehe. sabagay, hanggang ngayon naman, kutis 1 year old pa rin ako... hahahaha! isip, medyo advanced naman ng konti... hehehe. mahirap talaga magkasakit, lalo na kapag walang pera. malaking abala.
ning... nakakapayat ka naman ng puso... hehehe, nakakapayat, kasi mataba na...hehhee. ok lang ipagdrive sya, puro naman kainan yung pinuntahan namin... hehehe. tsaka kung hindi sya nagpasama, matutulog lang ako maghapon nun... hehehe
mei... nabasa ko lang yan sa isang humor site a long time ago, di ko na lang matandaan kung saan, pero hindi sa akin yan... nurse? marami na akong kilalang nurse... hehehehe, kay insang nao pa lang, solve na ako.. hehehe. pero ok lang, ipakilala mo nga ako... hehehe.
Post a Comment