Friday, October 07, 2005

utang utang

nung bilhin ko yung cellphone ko, kasama na yung smart sim ko, that was way back 2001 yata. and since then, hindi pa ako nagpalit ng number. i just upgraded my sim card nung lumabas na yung 64K na sim, pero i used the same number, at hanggang ngayon, yun pa rin ang number ko.

dati, pang text at calls lang yung gamit ng sim ko. ngayon ko pa lang naappreciate yung ibang features nya, like mobile banking and smart money. kanina lang, in less than 5 minutes, nakapagtransfer ako ng pera from my atm account to a friend in qc na hindi umaalis dito sa office. nagtext lang sya... nashort daw sya ng pera, e kailangan nya, urgent, babayaran naman daw nya bukas. mga isang milyon lang naman yung inuutang nya... hehehe, joke lang. madali naman akong kausap, basta kilala ko at subok ko nang tumutupad naman sa usapan e walang problema sa akin. . e wala na akong pondo sa smart money ko kanina. anong ginawa ko?

ganito lang... yun kasing atm account ko kung saan idinideposit nina bossing yung sweldo ko, naka-activate sa mobile banking ng smart. so dalawang text lang, nasa kanya na kagad yung pera ko.... unang text, transfer ko yung pera from my atm account to my smart money... tapos, sunod na text, smart money to smart money.. hayun, solve na problema nya. may smart money din kasi sya. nagtext ngayon, nawithdraw na daw nya... hehehe.

dati, ang pera, isang linggo o higit pa bago matransfer from one place to another, ngayon, minuto lang. ibang klase talaga ang technology ngayon!

napag-usapan na rin lang ang pera at utang... ito naman ay para doon sa mga nagsamantala sa kabaitan ko... masyado akong nagtiwala, hindi ko akalain na gagawin nyo sa akin yun. di ko na rin kayo masyadong hinahabol, sayang lang ang panahon ko. yung hanggang ngayon ay pinagtataguan pa rin ako... sige, magtago kayo... hindi ko na kayo hinahanap... buhay pa naman ako at tuloy ang financial blessings ko... kung kaya ng konsensya nyong magtago na lang ng buong buhay nyo sa akin eh, bahala kayo! tatawanan ko na lang kayo kapag sinusunog na kayo sa impyerno dahil sa pag-agrabyado nyo sa akin. hahahahaha!!! masama ba ako?? ewan, hanggang ngayon, naiinis pa rin ako kapag naaalala ko ito...

after 1 year na hindi nagbabayad at nahanap ko nung nakaraang january, ito ang sabi... "promise... sa august, magbabayad na kami... gipit lang talaga"... ako naman, pumayag... dumating ang august... "pasensya na... talagang gipit lang kami, wala kaming maibayad eh." madafaka! kaya hindi kayo umasenso eh, niloloko nyo ako eh. imagine, binigyan ko na sila ng hulugan option... parang bumbay na nga ako, makabayad lang sila... 500 pesos per month, ayaw nila, sa august na lang daw at sure na sure na yun. pumayag naman ako, walong buwan, di nila pinaghandaan! hayun... dumating yung august, yan ang sagot sa akin! hayun, mula nun, di ko na sila kinontak. Dyos na ang bahala sa kanila.

yun lang.

6 comments:

Abaniko said...

wag kang mag-alala. mabibiyayaan ka ng diyos sa kabaitan mo. and smart should pay you for your loyalty and for promoting their services, aba!

JO said...

galing talaga ng mga technology ngayon! magkano bayad para sa serbisyong pag transfer ng money?

kaya ako di nagpapautang... (wala din naman silang uutangin sa akin eh)... ang hirap kasing maningil!

happy weekened!

Anonymous said...

ay kainis naman yun! dapat kapag nangutang matutong magbayad, napakinabangan na at lahat ang pera eh...sana kung walang pambayad manghingi na lang ng pera, that way hindi aasa yung nagbigay, di ba?

Anonymous said...

ei, marhgil, yun bang phone number mo doon sa email mo sa akin (re: prepaid...), pwede ba kitang ma-text don? kasi magsa-subscribe ako sa smartmoney, then kapag kapos ako, text kita...padalhan mo ako ha? hahahahaha joke joke

anyway, galing talaga ng technology ngayon. mukhang mabilis pa sa western union yan, ah! hanep!! bilib ako....

Ladynred said...

Pautang naman oh!

Empress Kaiserin said...

next time ask them to issue you a check! para pag hindi nagbayad(kasi walang pondo yun bank)... you can sue them!!!