Tuesday, October 04, 2005

sama ng loob

umaga na! nagpalit na ng date ang kalendaryo, pero heto ako, hindi pa umuuwi!!! andito pa sa client namin, nag-aayos ng problema, kasama ang isa ko pang officemate!!! nagpapakapuyat habang sina bossing e masarap na natutulog at makikibalita na lamang bukas kung anong nangyari!! o life, talagang unfair ka. buti pa yung dati kong bossing, hindi ka iiwan hangga't di ayos ang problema, talagang laging kasama sa overnight. e ito namang boss namin ngayon... hay... hay.... wala akong masabi... wala akong masabi. yan, napapagaya na ako sa kanya, napapagaya na ako sa kanya. kain na lang ako mamaya sa tokyo tokyo nang makabawi naman kahit sa reimbursables...

sige, nagpahinga lang at naglabas ng sama ng loob... back to work na ulit ako! good luck to us!

6 comments:

Des said...

hay, unfair talaga minsan si layp, ano? so, bukas...i mean, mamaya, ano'ng oras naman ang pasok mo? grabe... sipag mo! (o pwersado lang ba? hehe)

kukote said...

di na ako papasok mamaya.. alas sais na ng umaga, andito pa rin kami!!! minamalas!!!

kukote said...

natapos din sa wakas!!! anong oras na??? mag-aalas otso na!!! shet!!! martes na ngayon, inabot pa ng coding ang sasakyan ko!!!

ok... behave, hayaan mo na sila, matulog ka na lang pagdating sa bahay... ok... dyan na muna ang kotse sa parking lot, wag mong ilalabas at baka makasapak ka pa ng mmda kapag hinuli ka. talagang ganyan ang buhay... hayaan mo, tiis lang. bilog ang mundo.

ok... now i feel better. ang drama ko!!!

Saint Eroica said...

bakit ang sipag mo???? mag aasawa ka na ba?????

kukote said...

saint eroica... wala lang, trip ko lang.. hahaha!

Debbie said...

ok lang yan... bayad naman OT mo diba?:)