Saturday, October 29, 2005

masaya ako, promise

aside from the neocounter na makikita nyo dyan sa sidebar, i have another hit counter dyan naman sa footer... yung freestats. ano bang meron dyan? hindi lang yan nagbibilang, it shows valuable statistics... dati, nung konti pa lang ang nakakaalam ng blog na ito... masaya na ako kapag nag-aaverage ako ng 10 unique visitors per day. ngayon... i know, there are 60+ unique lurkers sa blog na ito per day. i say lurkers, kasi, yung comment box ko at tagboard, wala pang sampu yung nagcocomment... pero according to freestats... nag-aaverage na ito ng 70+ visitors per day, so yung 60+, nakikibasa lang.

ang saya ko... nakakatuwa din na may mga natutuwa sa blog na ito kahit papaano. hehehe. at mas natuwa ako ng malaman ko na may mga lurker-turned-blogger dahil nainspire daw sa blog na ito. sana lang wag silang ningas-kugon... ganado sa umpisa, tapos, tatamarin na sa dulo. keep the fire burning, kagaya ng kandila kong yan, walang ubos.. hehehe. yan, tama na...

pahabol na lang... as i search "marhgil" on www.technorati.com, nagulat ako ng mabasa ko ito, natuwa... di ko sya kilala, pero lagi daw nya binabasa ito... kaya lalo tuloy akong ginaganahang magsulat... magsulat ng kung ano anong bagay na pumapasok dito sa kukote ko. habang may access ako sa internet at sa blog na ito, i will not stop posting, basta sulat lang ng sulat. wala akong sinusunod na style... ni hindi ko nga natutunan sa paaralan na magsulat ng blog na ito eh... ehhehe... basta, hayan, ganyan lang style ko, type ng type, nagkekwento, parang kausap kayo.

tama na, manood muna akong MGB, mukhang maganda, katatakutan. hehehe

2 comments:

mei said...

sabi sa yo eh, dame ka nang fans! sa susunod na season, sali ka sa PBB ivo-vote ka namin. dali! kaya lang pag andun ka na di ka na makakapag-blog...ay, wag na lang! hehehe...

kantrimyusik said...

Hi

Sali na nga ako dyan para makagradweyt na sa pagiging lurker... alam mo bro, palagi kong binibisita itong site mo, nalilibang kasi ako at natutuwa sa mga entries mo.... nagsisimula na rin akong magblog, kaya lang bare na bare pa ung house ko, dami ko pang kelangang matutunan.... pasasaan ba't makukuha ko rin iyan.
Salamat po... Happy Halloween!