Wednesday, September 21, 2005

naunsyaming presentation

medyo maaga akong umuwi kagabi para pag-aralan yung presentation na gagawin namin doon sa isang prospected client namin, bangko sya, secret na lang kung anong pangalan ng bangko, clue na lang, singkit sya, hehehe. syempre, aral ako ng konti, para naman hindi ako mapahiya doon sa unahan. mga matataas na tao nung bangko daw ang aming audience eh. may powerpoint presentation pa kami ek ek.

ang siste, ang dami kong longsleeves, kahit isa, wala akong nadala dito sa manila, lahat nasa batangas. balak ko sanang bumili kahapon, kaso, pagbukas ko nung drawer namin doon sa boarding house, may nakita akong dalawang longsleeves, plantsado na, nakahanger, parang inihanda yata para sa akin.. hehehe. kay leonkyo pala yun, so, sabi ko, pahiram na lang, sayang din kasi kung bibili pa ako, isang araw ko lang namang gagamitin, naiwan ko lang yung mga longsleeves ko sa bahay. pumayag naman sya sa kondisyong kapag isinoli ko raw, labada na at plantsado na ulit. so, ready na longsleeves ko, saktong sakto, magkasing size ata kami eh. tapos, syempre, kelangan ng necktie, naghanap kami ni leonkyo doon sa drawer, kaso, talagang wala. ayoko namang bumili, so nagtext na lang ako sa mga officemates ko, at may nagreply naman, si francis. salamat! so kumpleto na attire ko.

ang aga kong gumising. pero late pa rin ako dito sa office, hehehe. since magpepresent nga kami, kailangan kong magmukhang kagalang-galang. yung bigote at balbas kong malalago, inahit ko. para naman hindi ako mukhang goons doon sa harap nila at maging kapani-paniwala yung mga sasabihin ko. hehehe.

kaso, nang andito na ako sa office, ready na lahat with the presentations and everything... tumawag yung singkit na bangko. postponed daw yung presentation, may emergency daw kasi sila, at naresched sa oct 12. hay, buhay! minsan, nakakainis din na pinaghandaan mo, nanghiram ka pa ng kung ano ano, tapos, di matutuloy, di ga? so, naisip ko, since nakabihis na lang din ako, picture muna. souvenir ng naunsyaming presentation... hehehe. i would like to thank leonkyo for my longsleeves and francis for the necktie. ngapala, ewan ko ba, masyado atang mataba itong leeg ko, hindi mai close-neck eh! hindi mag-abot!!!

yun lang.

5 comments:

annabanana said...

uy, ang guapo! parang namalikmata ako dun ah! ikaw ba talaga yun? hehehe..joke lang, sana sa october 12, matuloy na ang presentation ninyo sa mga intsik. :D

Anonymous said...

Uyyyy!!!! si piolo!!!! ayyy teka.. hindi... bading yon si piolo...di ka naman bading di ba??? hehehehe...nakaktakot ba yong kumuha sa iyo ng picture??? hehehe para ka kasing nagulat.. =)pwedend pa authograph?? hehehehe

Saint Eroica said...

sayang naman the ahit pogi natin!!! btw, lahat naman yata bank ngayon puro sinkgit na may ari... dami nun! BDO, PNB, ALLIED BANK, PCI... wala ng clue? can i buy a letter??? hehehehe...

mei said...

ur da man! hahaha! isang paligo na lang, kamukha ka na ni aga m! wehehehe...=D

kukote said...

annabanana... ako talaga yan =)

anonynous... kaw ba si ate ethel??? di ako si piolo... malaking insulto sa aking pagkatao yun! hahahha!!! trip ko lang magpose ng ganyan =)

sain eroica... sayang nga eh, kung maibabalik ko lang yung inahit ko, ibinalik ko na.. hehehe. chinese yung bank, promise ;)

mei! naligo ako ng dalawang beses kanina... paano yun? kamukha ko na sya??? hahahaha!!!