last night, we went to hard rock cafe doon sa glorieta para aliwin ang aming sarili sa pakikinig ng mga awitin ni nina. sa totoo lang, first time ko napanood si nina na umawit ng live. ang masasabi ko, magaling sya. yun bang talagang napaisip ako, live ba ito o lip synch lang? kasi, parang nakikinig ka ng album nya, ganung ganun ang boses nya. pero totoo, live nga, kasi pinagkatitigan ko ba naman yung buka ng bibig... pati nga yung timing nya sa paghinga, sabay na sabay, kaya imposibleng lip synch, ganun talaga sya kagaling umawit. kasama ko pala doon si francis, si marco at ang kanilang mga partner... at kagaya ng dati, ako lang yung walang kapartner... pero ok lang, si nina naman, wala ring partner eh, hehehehe. i took some pictures, pero puro ilaw lang ang nakuha kaya hindi ko na lang ipopost. si francis daw, may post din about this, bisitahin nyo na lang yung blog nya para sa karagdagang detalye.
nakauwi kami, mag-aalas dos na yata ng umaga. pagdating ko sa bahay, ako ay nagulat. umaga na nga akong umuwi, ako pa yung unang dumating sa bahay... yung mga kasama ko... puro OT yata. natulog after having a long conversation with someone over the phone... tapos gumising at pumasok.
change topic... ayaw ko na pong umabsent, kahit na gaano ako kaasar sa boss ko. kasi, naubos na yung VL ko for this year... huli na yung absent ko nung monday, kaya yung tuesday ko, may kaltas na. kada absent ko na ngayon, may kaltas na sa sweldo, equivalent to my daily rate. yung kinaltas sa akin last tuesday... pwede ko nang ipanggasolina for 1 week eh... tsk tsk tsk. sa makati ako nagwowork at sa makati rin ako nakatira... konti lang yung gas ko, ok? hehehe. kaya ngayon, no matter how bad im feeling, kahit gaano ako kaasar... papasok na ako sa opisina, idadaan ko na lang sa blog ang sama ng loob ko!
kung wala kayong magawa.. matagal ko nang pinag-aaliwan tong basahin, kaso puro non-sense.. pero try nyo rin... visit nyo ang encyclopedia ng mga walang magawa... medyo offensive ang dating sa iba... so read at your own risk, ok? ito yun... the uncyclopedia.
yun lang.
No comments:
Post a Comment