This is Marhgil Macuha's blog before he got his own self-hosted blog. He occassionally posts here, kapag natitripan. :)
Thursday, October 20, 2005
after thoughts
wala lang... picture yan ng mga pamangkin ko... bigla atang lumaki yung lalaki kong pamangkin? nope, pamangkin ko yan sa pinsan. wala lang ulit... namimiss ko lang ang pagiging bata. walang problema. ang saya-saya, puro laro, kahit tuyo ang ulam, o tinapay na may palamang peanut butter ang meryenda, masaya na ako nun. walang playstation, walang counterstrike... taguan, at barilan doon sa likod bahay namin. bangka-bangkaan, lumalangoy sa baha kapag umulan ng malakas at bahang baha yung kanal sa amin... pumupunta sa manggahan na hindi naman kami ang may tanim para lang manglimot ng patak na mangga... kumakain ng tubo (sugar cane) na inihahagis ng mga taong sakay sa trak ng tubo kapag dumaraan doon sa baranggay namin.... habulan sa kalye dahil wala namang masyadong dumaraang dyip... suntukan... oo, nung bata ako, may mga nakasuntukan din ako... hehehe, saksakan pa nga ng lapis. ewan. nakikipagkulitan doon sa dalawa kong kapatid... ngayon, wala na sila, may mga asawa na... ako na lang natitira... ewan ko ba. kung ano ano na namang pumasok sa kukote ko... sige, uwi na ako, bukas na lang ulit... bye!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Ang cucute!!! mana sa tito.. =)uyyy!!! ngiti raw sya!!! =) mana kako sa kuya mo!!! hahaha...joke! syempre mana sa iyo. =)
Grabeh pala tito, super likot mo pala :) Cute naman pic :))
hi, just bloghopping. Your blog made me smile; I had a very memorable childhood too sa probinsya. Ibang-iba na ang panahon ngayon, ang anak ko hindi pa nakakita ng tubo, tutubi, snails, frog, at kung ano-ano pa. We live in France (Paris region) and dito iba din. Kung magnature tripping ka, gagastos ka pa ng malaki. I miss my childhood days at kung pwede nga lang sarap sana kung maexperience din ng anak ko.
You have a nice blog corner. My positive aura sa akin ang articles mo, nakakatuwa ka kasing sumulat. I'll be your fan lurker from now on. Sige, ingat palagi! Ciaociao.
Joy G.
shella... wala pa akong pinamamanahan ng itsura ko... hahaha =)
ethel... di naman masyadow
may... aba, at nakakain ka rin pala ng tubo? hahaha! tamis no? syempre.
joy g... salamat sa iyong pagdaan... salamat ng marami. daan ka palagi ha ;) iba pa rin talaga yung nakaraan... mas masaya =)
Post a Comment