Friday, October 07, 2005

easter eggs

easter eggs... yan ang tawag nila sa mga hidden codes, hidden application, hidden messages, sa isang software. easter egg, kasi, you have to find it. since college, natripan ko ring maghanap nyan... thanks to this site... ang dami kong nahuli! ang favorite ko dati, yung hidden 3d race game sa ms excel 2000. ang daming steps bago mo mapalabas. tapos may game din na nakatago doon sa macromedia flash. pati yung nagliliparang names ng programmer ng internet explorer... nakita ko rin doon sa lumang version! ang dami... lately sinubukan kong bisitahin yung site kung merong bago. and since i am using firefox, me nahuli akong dalawa dito, i'm using the latest firefox version.

ito yung una... actually, hidden messages lang. type mo sa address bar yung "about:credits" (without the quotes) makikita mo ang pangalan ng mga taong nagtulong tulong para matapos ang browser na ito!

yung isa pa... "about:mozilla" without the quotes din syempre... may makikita kang hidden message in red background!

yun lang, ang dami pang ganyan dun sa site na yun, halos lahat ng application, merong nakatago. mga walang magawa siguro itong mga programmer at natripan pang lagyan ng hidden codes... hehehehe.

yun lang

2 comments:

patLents said...

ay alam ko po yan! yung easter eggs! hehehe.. nahuli ko na rin po yung nasa excel dati... nakalimutan ko lang kung papano.. hehe.. ayun lang po.. :)

Des said...

nagpunta ako don sa site. ang galing! i have some DVDs that are on the list, so mega-try naman ako. oo nga! thanks for the info. now, if i get bored, may gagawin na ako. hehehe