Tuesday, October 04, 2005

toyota vios taxi

pumasok pa rin ako ngayon, alas singko, wala lang, gusto ko lang magreimburse ng mga nagastos ko kagabi. at 6:00PM, babalik ako dun sa client namin sa roosevelt ave., quezon city. wala na namang gagawin... babalikan ko lang yung kotse ko, hindi ko nga naiuwi kanina, kasi naman, inabot ng coding.

baka naman isipin nyo, puro himutok na lang nababasa nyo dito. kanina, nang pauwi na kami at naghahanap ng taxi, muntik na kaming nakasakay sa taxing VIOS. yup! may nakaisip gawing taxi yung toyota vios! malas lang, naunahan kami nung isa, pero kahit naunahan kami, kuha ko kagad cellphone ko to take a picture of the taxi, baka sabihin nyo niyayabang ko kayo na may VIOS na ginawang taxi! kaya yan ang picture! i blurred the face of the woman, baka kasi sumikat pa sya... hehehehe.


"toyota vios taxi"

naidlip din pala ako ng konti kanina, hindi na kinaya ng powers ko eh, nung magising ako... kuhanan ba naman ako ng picture? hayan, mukha talaga akong ngarag!!! andito ang picture. click at your own risk! hahahaha!


9 comments:

Anonymous said...

wawa naman ni irog... layo mo kasi eh.. di tuloy kita magawaran ng halik, kahit pano pampawala ng antok mo... hehehehe

Raquel said...

Hahaha, ikaw ba yun iho, ang ang cute2x mo talaga. Pag-uuwi ako jan, magkita tayo ha. I am planning to see you and Darlene.

Pao said...

ngarag ka nga! kakagulat eh bigla ba namang bumulaga yung pektyur nyo! :lol:

Saint Eroica said...

hinay hinay lang sa trabaho pare! ganyan talaga pag bachelor, nasa office parati... ;)

Ethel said...

Bwahahaha..kyut mo talaga tito kahit saang angle, tunay talaga na cutie hek hek hek

kukote said...

anonymous... curious ako kung sino ka? irog ka jan.. hehehe

raquel... ako nga yun iha! hahaha. kelan ba uwi mo? pasalubong ha ;)

pao... nagulat ka pala! hehehehe, para akong nakadrugs eh ;)

saint eroica... ngayon lang naman napasabak ng ganun... hehehe, hinay na ulit ngayon ;)

ethel... wala akong masabi... hahahaha!

m|e|y|m|s said...

yung sa Cagayan De Oro City puro naman Altis mga taxi dun. Hehe.

yen said...

hahaha ok sa pic ah.. halatang ngarag nga namu2la pa mata mo hehe

Anonymous said...

dito po sa bangkok normal na ang vios at altis na taxi.