Monday, October 10, 2005

do by

nung nakaraang sabado, napanood ko nga ang dubai dahil sa walang magawa. opo, ako lang, solo akong pumasok ng sinehan, trip ko eh.. hehehe.

anong masasabi ko? ok sya, good story. ang akala ko dati ay iikot sa love triangle ang istorya, hindi pala, kasi, hindi bilog ang triangle, mahirap umikot... hehehe. . kwento pala ito ng magkapatid.

sa umpisa, nakarelate ako. natuwa ako sa setting nila, kasi middle east, sa dubai nga. naalala ko tuloy ang kuwait. halos pareho sila eh, parehong itsura ng kalye, ng mga tindahan, ng mga sign boards na written in arabic at english, ng mga puno, at pati yung trip nilang magpicnic sa tabi ng dagat sa gabi... parang gusto kong bumalik sa kuwait eh, nung nasa kuwait kasi ako, almost every week, picnic din kami sa tabing dagat kapag gabi, kasama yung mga nakilala kong mga friends doon. yung masafi mineral water... yan din ang iniinom ko sa kuwait! aba at sponsor pa yata nito.. hehehe. anyways... nalalayo ako.. balik sa dubai.

ok yung istorya, nakarelate din ako, lalo na't im raised by an OFW din. ipinakita kasi kung anong mga hirap ang dinaranas ng isang OFW maibigay lang ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay sa pilipinas. hirap nila na madalas na hindi natin naaapreciate. na andun sila, nagpapakahirap manilbihan sa ibang bansa.

ang ayaw ko lang sa istorya... parang ang cheap ng dating ni claudine. imagine, magkapatid, pinatulan! ewan ko, ang sama ng dating. wala lang.

masyadong hindi obvious na western union ang isa sa mga sponsor nila, lalo na ng dumating si claudine, nung nasa airport sya! anak ng teteng... natawa na lang ako, puro western union ang nakita ko... di ko na nga naintindihan yung pinag-usapan ng mag-ina... puro western union nabasa ko.. waaaa.

ewan ko kung nagkamali ako ng pandinig or talagang mali yung script nila, meron kasing ganitong usapan eh...

aga: "sabi ko sa iyo, kayang kaya mo yung trabaho eh."
john loyd: "kuya, hindi lang kaya, kayang kaya ko pa."

gusto ko sanang ulitin yung panonood, marinig lang yun to confirm, kaso, gabi na, kaya hindi ko na naulit. kelan kaya mauuso sa sinehan yung pwede mong iparewind ng konti kapag may gusto kang marinig ulit? hehehe. kayo na lang magconfirm kung nabingi nga ako or may mali talaga sa script... hehehe.

comment ko pa... ang ganda ni claudine... ang laki! nyahahahaha!! kaya siguro nakabili ako ng FHM, dahil dyan... waaaaahHH!!!

last comment, mukhang mali yung title... kulang... dapat... DUBAI Big Brother... hehehe.

recommendation... kung asar kayo sa isang tao at gusto nyong paiyakin, isama nyo dito.. kung gusto nyong paiyakin ang girlfriend nyo, nanay nyo o kahit sino... yung mga mababaw ang luha, isama nyo sa panonood nito. tapos sabihin mo, pustahan tayo, pag umiyak ka, ililibre mo ako sa susunod na panonood natin ng sine.

7 comments:

Anonymous said...

napanood ko na rin kaso sa vcd lang kasi bumili mommy ko. naiyak din ako, grabe! lalo na nung nalaman ni john lloyd ang totoo na halos tumira na sa ilalim ng tulay ang kuya nya. haaayyy... naramdaman ko ang pain. grabe!

Empress Kaiserin said...

di ako naiyak... natawa... kita mo yun prosthetics make up ni john humawa sa noo ni aga... at di blood yun kuno... make up kasi pink!!!! at dapat di na nabuntis si claudine kasi walang resolution sa story, parang wala lang... di naman kailangan na ma preggy sya when pwede naman umuwi lang siya ng pinas kasi naguguluhan na siya... basta ang daming mali... di naman ako nag mamarurunong, just my opinion... ;)

Punzi said...

Walang nakakahiya sa panonood ng sine mag-isa. Sanayan lang yan...

Yen Prieto said...

dko pa napanood yan pro gs2 ko panoorin kc lamko mkakarelate din ako.. ay naku.. ang laki nga ng joga ni claudine dun, peke naman un eh.. sabay gnun noh haha

Anonymous said...

Dubai Big Brother?! bwahahaha! ang kulet mo talaga mag-isip! napatawa na naman ako ng di oras...

CoB said...

E di umiyak ka din haha!!! di mo gayahin si BJ di umiyak macho daw cya e.. Sungki-sungki ba talaga ngipin ni aga?

Anonymous said...

ganyan! ang kulit mo talaga mag -isip tito marhgil! na-i- relate daw ba ang Big Brother? hehehe

excited tuloy akong panoorin to. sige, sa weekend, tapos check ko yung na miss mo!.. balik ako sa monday para mag comment ulit!

happy weekend!!!