Thursday, October 13, 2005

notebook

last monday... kinaladkad ako ng boss ko papunta sa seminar sa manila peninsula. alam nyo naman ako, kaladkarin... hehehe. it was an intel sponsored event. andun din ang pldt, microsoft at kung ano ano pa. actually, it was a scheduled event where attendees are invited, at invited nga kami, kung saan ifinorward ko rin yung invitation kay ron, kasama ko sa bahay. kaya pagdating doon sa venue, andun rin sya kasama ang mga kaopisina nya. isa sa mga dahilan kaya kami ay umattend, kasi, may raffle sila ng notebook computer sa katapusan ng seminar... hehehe, dami ko ngang dinalang business card eh, pero syempre, kakahiya din naman na maraming business card yung idrop ko dun... baka magdoble yung bunot sa pangalan ko ay nakakahiya.. hahaha.

4:00PM to 8:00PM yung schedule. dumating kami, 4:30PM na, akala ko, late na, aba at nung magparegister kami, binigyan pa kaming ballpen, yun daw ay reward for the early birds... hahahaha! late na nga, early bird pa raw.. hehehe. nagstart ata yung presentation, 5:30PM na.

product presentation... diniscuss nila yung mga produkto nila, after discussion, niraraffle nila yung business cards for consolation prizes. kapag nabunot na yung name mo, wala ka nang chance manalo nung notebook computer. ok naman, inabot naman hanggang sa raffle nung notebook computer ang business card ko, kaso, hindi sya yung nabunot. si ron, nanalo sya sa raffle, notebook din, kaso, yung totoong notebook in its original form.. hehehe, yung pwede mong pagsulatan ng notes mo using your ballpen!

after the event, may pakain din naman sila. sinulit na namin ang pagkakataon para kumain doon, sa halip na meryenda, dinamihan na ang hakot, kasama na ang hapunan. kakagutom kaya dun. may pinafill-upan silang survey form, tapos, pagkasubmit nung form, may bigay na travelling bag, may tatak ng intel. nagtake-out pa nga kami ng tinapay para doon kay leoncio... kasama din namin sa bahay na hindi nakaattend. hehehe. pasimple lang, kumuha ng tinapay, binalot ng tissue at inilagay sa bag... hahahaha. tapos, nung feeling busog na kami, sibat na kami pauwi.

yun palang emcee ng event, artista daw sya, babae, kasama daw sa bora, pero di ko matandaan ang pangalan. ewan ko, hindi pa sya ganun kasikat eh. mukhang makapal lang yung make-up kaya magandang tingnan. anyways, ok lang, at least, nagkaroon ako ng bagong bag at ballpen dahil sa event na yun, sayang lang talaga at hindi ko nakuha yung notebook... buti pa si ron, kahit papaano, nagkanotebook sya.. hehehe.

5 comments:

Anonymous said...

marhgil,
napag-utusan lang po ako...baka kasi meron kang kakilalang interesado. plase check poea/owwa (san ba dapat mag check?) na rin about the validity of this.

POSITION: EMBEDDED SYSTEMS ENGINEER
> SALARY : $1,500 (USD)
> LOCATION: INCHON CITY, SOUTH KOREA
>
> QUALIFICATIONS:
> 1.ATLEAST 3 YEARS SOLID EXPERIENCE IN EMBEDDED SYSTEMS
> DEVELOPMENT,
> 2.MASTERY OF THE FOLLOWING PROGRAMMING LANGUAGES/TOOLS.
> EMBEDDED C/C++
> ASSEMBLY PROGRAMMING,
> VISUAL DSP
> MATLAB.
> 3.MASTERY OF THE FOLLOWING MCU/MPU/DSP BRANDS
> ANALOG DEVICES (ADI)
> ATMEL
> EMC
>
> BENEFITS:
> FREE HOUSING
> FREE FOOD ON WEEKDAYS
> FOOD ALLOWANCE ON WEEKENDS
> FREE TRANSPORTATION
> FREE ROUNDTRIP TICKET
> FREE VISA SPONSORSHIP
> FREE VACATION EVERY YEAR.
>
> >> NO PLACEMENT FEE WILL BE COLLECTED, THE APPLICANT'S ONLY
EXPENSE
> BEFORE FLYING TO KOREA IS HIS/HER MEMBERSHIP TO OWWA (around 2,500
> philippine peso)<<
>
> APPLICANTS MAY SEND THEIR RESUME' TO:
>
> dhaevhid@yahoo.com
>
>

Yen Prieto said...

ay naku, ako malas dn sa mga raffle na yan, nung last company party nmin, khit man lng ung traveling bag na samsonite dko nakuha, kya dinaan ko na lng dn sa lamon pra lng makabawi hehe.

Empress Kaiserin said...

lotto na lang tayo!!!!! ;) pag nanalo ka, wag kang magtatago ha!!!! hahanapin ka namin kahit san la magtago! mwhahahahaha!

Anonymous said...

Hahahaha!!! Nag-enjoy ako sa pagbabasa ng post mo. Thanks po! hehehe...

jinkee said...

Buti ka nga may ballpen at bag. May isang Christmas party na suka at toyo ang nakuha ko. Di ko alam kung galit sa akin yung bumunot.