ganito kasi yun... during my school days... ang dami kong namemorize na formula at mga codes na wala namang silbi sa buhay ko ngayon, pero natatak na sa utak ko, na kahit bagong gising ako, itanong nyo at masasagot ko... like yung Every Good Boy Does Fine.. di ba? sa music yan... EGBDF, yung mga letra sa linya sa limguhit. tapos dun sa spaces... FACE. grade 4 yata yan itinuro, hanggang ngayon, tanda ko pa. e yung sohcahtoa... trigonometry codes yan... sine is opposite over hypotenuse, cosine is adjacent over hypotenuse and tangent is opposite over adjancent. tama? basta. pati yung trigonometric identities na sine squared theta plus cosine squared theta equals 1. yung quadratic formula, hanggang ngayon, di ko rin maalis sa kukote ko... x equals negative b plus or minus square root of b squared minus four ac all over two a. ano pa ba? syempre, yung phytagorean theorem, nakasaksak na rin sa kukote ko yan, in a right triangle...the sum of the squares of the legs is equal to the square of the hypothenuse.
ok, so ano ngayon kung alam ko yan? ewan ko nga, di ko maalis sa utak ko eh. wala namang practical usage sa ginagawa ko ngayon... hehehe. pero may isang code akong natandaan... hanggang ngayon tanda ko pa rin, na natatawa na lang ako kung anong ibig sabihin nun. ito yun o..
super power now on lucia's mind... j. c. jets.
hanggang ngayon, tanda ko pa yan... kung nag-aaral ka ng rizal na subject, kung alam mo ang ibig sabihin nyan, may 11 points ka na kaagad sa enumeration type na exam. yan ang pasasagutan ko. ano nga bang ibig sabihin nyan? ok... clue.. yung mga bold letters... it connotes something. starting letter ng 11 something na connected kay rizal. at ano ano yung 11 something na yun? ilista nyo dyan sa comment box... hehehe. mahirap ba? madali lang... nasa chapter 1 pa lang siguro yan ng buhay ni rizal. ok... isipin nyo.. ang unang makapagsabi ng tamang sagot... ibibigay ko talaga yung travelling bag. yun nga lang, kunin nyo dito sa office ;)
di muna ako magpopost hangga't walang nakakasagot nyan... hehehe. happy weekend!
10 comments:
Talaga??? Makatiis ka kayang di magpost?? Hehehehe...well...since sabado bukas tapos linggo ang kasunod...pwede... idadaan mo na lang sa tulog... =)
marhgil,
ay gets ko ito...pero teka tingnan natin kung tama nga ang isasagot ko.
1. saturnina
2. paciano
3. narcisa
4. olympia/olimpia
5. lucia
6. maria
7. jose
8. concepcion
9.josefa
10. trinidad
11.soledad
yan po ang pangalan ng 11 na magkakapatid..ahng mga nakis ni g. francisco mercado rizal at teodora alonso rizal
tama ba, kaibigan?
may ish-share lang pala ako.. nung college ako, sa anatomy class, meron din sa amin pinatandaan..
oh
oh
oh
to
touch
and
feel
very
good
velvet
ah
eh may nakahula na eh... ang alam ko mga kapatid nga yan ni rizal.. galing ni anabanana, enumerate pa ang names... since wala na ako premyo cguro... libre mo na lng ako kahit ng balot pag-uwi ko hehe..
Wow ang galing ni annabanana! Marhgil, tell us... tama ba ang sagot niya? :)
Ang alam ko ay... yung pinost ni misu! Hahaha... Misu, if I'm not mistaken, those stand for the 12 cranial nerves right? Man... Biology is my favourite. :p
pagdating sa rizal subject, i'm clueless.
akoy nango2pya lang nung rizal subject ko hehe
arbor na lang yan marhgil... bayad sa pag-lilinis ng ilalim ng kama mo at ng bahay.. eheheheh... muntikan ko ng iuwi yan nung isang araw....
--penoycentral
salamat sa lahat ng sumali! ang bilis ni annabanana! congrats! punta ka na lang sa office to claim the prize ;) ano ba e-mail add mo?
marhgil<
ay tama ako! ang saya-saya ko! hindi mo naitatanong, ang middle name ko ay "riza" kasi ipinanganak ako ng june 19, 19kopongkopong...yung tungkol sa bag, okay na yun...next year pa ako makakauwi eh, nasa korea ako naktira married sa isang koreano..(ay teka, bat ba kwento na ako ng buhay ko?!) niwey, pa conktest ka na lang ulit...tapos yun uli ang premyo..nakakatuwa kasi itong contest mo eh, very creative!
isang maligayang araw sa iyo, marhgil!
Post a Comment