Marhgil Macuha



wala akong maisip na title

Friday, June 10, 2005

by kukote

di ko alam kung anong masamang espiritu ang pumasok sa kukote ko at naisipan kong ipublish yung mga random pictures sa photoblog ko.

may naiisip akong concept, para sa IVR, siguradong kikita, pero bakit ko ibibigay sa kanila? sino ba sila, hamak na empleyado lang naman ako nila. hindi naman ako mahalaga sa kanila. ibebenta ko na lang ang idea ko, kanino? to any IVR vendor na gustong kumita nang malaki, meron akong idea na siguradong papatok. kung gusto nyong bilhin ang idea ko, you know where to contact me. yun na yun.

friday na naman, at uuwi na ako sa batangas bukas ng umaga. medyo mahaba-haba ring bakasyon, bagong sweldo pa. hehehe. makakarating nga yata ako bukas sa sm batangas. paano naman e fiesta ata dun sa aming barangay bukas, ewan ko kung fiesta o tapusan, e syempre masaya ang mga tao, pero sa bahay namin, walang handa, kasi, hindi naman kami nakikiisa sa mga ganyang gawain. so, gagala na lang ako bukas. yung gustong mamyesta sa amin, sorry na lang kayo, wala ako sa bahay! hehehe.

nagugutom ako. ayoko na muna ng tapsilog bilang hapunan ko. saan kaya makakain? bahala na.

featured site: ang official site ni Erap, nakakatuwang basahin ang Erap Answers! parang erap jokes, hehehe

May God bless the unblessed!

Happy Independence Day! basahin nyo na lang yung post ko about independence day last year, so far, wala namang nagbago, hehehe.



posted by Marhgil, 5:08:00 PM

3 komento:

hey, thanks for dropping by my blog! ^_^

hello! happy independence day to u and thanks for dropping by my blog. :)

you are all welcome!
ang sabi ni Blogger kukote, 14/6/05 1:34 PM  

isulat ang iyong gustong sabihin


Previous Posts

Marhgil » holiday at kung anu-ano pa
Marhgil » jueteng
Marhgil » most wanted
Marhgil » bagyo
Marhgil » the tapes
Marhgil » late, sine at tape
Marhgil » sabit
Marhgil » death wishes
Marhgil » vitamins, laban o bawi, trip to jordan
Marhgil » english

Marhgil » Home