finally, naisubmit ko na rin lahat ng documents na kailangan sa insurance. lubos akong nagpapasalamat sa tulong ng aming messenger, si mang russel. kahit hindi company-related, tinulungan nya akong magprocess ng mga papel ko. para naman maexercise sya, chat lang sya ng chat kanina sa yahoo messenger eh. hehehe. mang russel, salamat ng marami! now, the only thing i have to do is to wait. maghintay na maaprove yung claim at nang maipasok na sa casa itong kotse ko. i have their e-mail addresses at next monday, pag wala pang progress, alam nyo na gagawin ko... mangungulit sa email...hehehehe.
di ko alam kung swerte naman itong dumarating ngayon. days hotel called me today and promised to give me a gift certificate, free hotel accomodation on any of their local hotels, pwede raw akong magsama ng tatlo! sinong gustong sumama? valid till september 2005. ewan ko kung totoo or nangloloko lang, anyways, pupuntahan ko rin sila mamaya para maclaim yung gift certificate. dito lang naman malapit sa amin ang office nila, sa rufino pacific tower lang. sana totoo, kung hindi, headline na naman sila dito sa blog ko. ang lapit lang naman ng pulis dito at ang lapit ng office nila. hehehe.
sa linggo nga pala ay kasal na ni owen. sa sabado ay may imbitasyon din si ron para sa kasal ng ate nya. puro kasalan ah. masarap na naman pagkain ko this weekend! kailangan ko palang bumili ng gamot, baka tamaan na naman ako ng monday sickness ko pag nagkataon.
may mga nagtatanong, sino ba daw ako? kasi, ang ganda naman nung profile ko sa blogspot... yung about me. walang makuhang impormasyon. hehehe. madali lang namang makilala kung sino ako, i-search nyo sa kahit anong search engine ang pangalan ko, yung tamang spelling ha, lahat ng result, tungkol sa akin. wala kasi akong kapangalan sa mundo, maliban na lang kung pag nagkaanak kayo e matripan nyong ito rin ang ipangalan nyo sa anak nyo.
yun lang
No comments:
Post a Comment