Friday, June 10, 2005

holiday at kung anu-ano pa

i was expecting a long weekend, at tumama nga ang prediksyon ko, walang pasok sa monday! akala ko nga meron na dahil sa balitang ito. nagbago na naman ng isip ang malakanyang. kung sa pagdedeclare nga ng holiday, ang gulo gulo nila, e yun pa bang pagpapalakad ng bansa ang magawa nila nang maayos? kaya naman ang gulo na dito sa pilipinas, ang gulo ng pulitika.

bawat isang pilipino, pedeng umunlad sa ganang sarili nya kahit sino pang pangulo dyan. kaya ako, di na ako umaasa sa tulong ni GMA. basta tuloy ang trabaho, tuloy ang sweldo, kahit wala si GMA dyan, or kahit sino pang nakaupo dyan. wala din naman silang silbi eh, puro kurakot lang. saan ka nakakitang government agency, may entrance fee? baka sabihin nyo, e kung si lacson ang nakaupo dyan, or si rocco, mas maganda takbo ng pilipinas ngayon. ganun din ang akala ng marami nung paalisin nila si erap at ilagay si gloria. anong nangyari? kahit sino pang maupo dyan, may mangungurakot at mangungurakot pa din. am i too pessimistic now? siguro nga. kung ako kaya ang presidente? mas gugulo ang pilipinas, sarili ko ngang buhok, di ko masuklay regularly, pilipinas pa ba maayos ko? hehehehe.


yun lang.

No comments: