di ko alam kung anong klaseng virus ang pumasok dito sa katawan ko. normal naman ang sugar ko. ang alam ko lang e nabasa ako ng ulan nung minsang umuwi ako. ganun na ba kahina ng immune system ko? siguro nga. hindi naman kasi ako nag vivitamins, pili pa ang pagkaing kinakain ko. dapat nga siguro, magvitamins nako. dagdag gastos na naman. sana, maragdagan na rin ang sweldo. ngayon, ang hina-hina pa rin ng pakiramdam ko. kakain ako mamaya sa baba, then, inom ng gamot, and bili ng pineapple juice, yung purong puro.
on other matters, nalaman ko na lang nung sabado na nakasali ulit yung kapatid ko sa laban o bawi. nung wednesday daw sya kasali, anong nangyari, wala. hindi man lang daw sya nakaimik, kasi, naunahan sya sa pagpindot nung kasama nya. nakabalato lang daw ulit. syempre, inabangan na naman sya ng mga taga barangay namin. nung dumating sya sa bahay, ang sabi ng anak nya, "si papa, hindi imik." hehehe. kasi nga naman dati e nakatatlong sagot sya, kahit puro mali, tatlong beses sya napafocus sa camera. e ngayon, di man lang nakasagot. may nagtanong sa kanyang kakilala nya na nakita sya sa tv, ang sabi sa kanya, "kasali ka na naman?", ang sagot nya.. "di mo ga alam na regular na ako sa eat bulaga, di lang ako nagpapahalata." hehehe.
hindi pa matutuloy ang trip to jordan ko. nagkaproblema sa visa. ewan ko, nadelay lang naman yung visa, mukha ba akong terorista? di naman ah. well, let us see na lang kung kelan marerelease yung visa ko.
ge, uwi nako. ang init pa rin ng pakiramdam ko. daan muna ako sa canteen, then, uwi na rin. yun lang.
God bless.
No comments:
Post a Comment