kahapon pa akong naiirita sa nangyayari. june 13, nabangga yung kotse ko. june 24 na, 11 days na ang nakalipas, hindi ko pa rin maipasok ng casa dahil sa lintek na proseso ng insurance na yan! ang rules kasi nila, hindi mo pwedeng ipagawa yung sasakyan unless approved na yung claim mo, otherwise, your claim will be forfeited. eto yung complete procedure nila.
mali yata yan, di ba? ako yung binangga nung kliyente nila. kotse ko yun. bakit kailangan kong maghintay maaprove yung claim bago ko ipagawa? di ba, pede namang ipagawa na nila kaagad, may report naman at resibo yung casang pagpapasukan ko nung kotse. e di doon nila ibatay yung claim. wala ba silang tiwala sa ibang tao? legal papers at official receipt din naman ang ipapakita. si nakabangga muna ang bumayad. kung deny yung claim, problema na niya. kung approved, e di ok. ang mahalaga, maayos na yung kotse ko.
di ba, kung tao yung nabangga nila, ipapagamot mo muna, sa huli yung claim? e bakit pag kotse, hintayin ko pa yung approval bago ko ipagawa? dapat ganoon din yung sistema. its been 11 days na nagddrive ako ng kotse kong sira yung likod at bukas yung compartment. nakatali lang para hindi tumikwas. tuwing makikita ko, sumasama yung loob ko. nananahimik akong tao, sumusunod sa traffic rules and regulation, tapos babanggain lang nila!
at eto pa ang matindi. ang kakapal ng mukha nung nakabangga sa akin! nagtext ako, sabi ko, pakifollow-up naman nung insurance, para maipagawa na yung kotse ko. ang ginawa ba naman, itinext sa akin yung number ng boss nya (yung may-ari ng sasakyan) at tawagan ko raw, doon daw ako magfollow-up. di bale kung local call lang, e long distance! anak ng teteng naman o, sila na nga ang nakaperwisyo, ako pa ang gusto nilang gumastos para maifollow-up yung claim ko! sa halip na sila ang tumatawag sa akin para kumustahin yung kotse ko, ako pa ang pinapatawag nila. ang kakapal talaga! hindi ko tinawagan. nag-email na lang ako doon sa insurance nila. ang lagi namang reply, its under process! hindi ko lang masabi, kaya pala ang tagal, under process, nasa ilalim!!! hehehe. hindi ba pedeng gawing top priority???
ok naman yung may insurance eh. kaso, dapat, baguhin nila ang sistema. gawin nilang parang sa tao. ipagawa muna, bago yung claim. 11 days and counting... sana naman, bago ako magpunta ng jordan sa june 30, ok na ang lahat!
yun lang. sensya na sa mga nagbabasa. i just have to release this, kung hindi, sasabog kukote ko. kawawa naman yung katabi ko, hehehe.
No comments:
Post a Comment