Tuesday, June 21, 2005

pamahiin

bumili ang kapatid ko ng aircon, ang init daw kasi sa bahay nila. pagdating sa lipa, nung balak nang ikabit yung aircon, kumontra ang byenan nya, ang sabi... "kapag may buntis sa bahay, masamang ang mga butas ay pinapasakan." yun, till now, di pa naikabit yung aircon, hihintayin munang manganak yung asawa nya. syempre, nakikisama pa sya sa mga yun eh. tanong ko lang... Anong connection nung butas na pinapasakan sa pagbubuntis??? tsk tsk tsk. paano kung umulan at may butas yung bubong, hahayaan na lang tumulo hangga't di nanganganak yung buntis??

ang mga tao nga naman, ang hilig maniwala sa pamahiin, kaya hindi umunlad ang pilipinas eh!

No comments: