Tuesday, June 14, 2005

namamalo nga ba ang Dyos?

namamalo nga ba ang Dyos kapag naliligaw na ng landas ang kanyang anak? i don't know if it is a coincidence o talagang pinapalo na talaga ako ng Dyos. lately kasi, after doing some things that i don't usually do and i know na kasalanan sa Dyos, kasunod kaagad nun ang mga kamalasan sa buhay ko. yung una, inisip ko lang na coincidence, na after ko magkasala e nalaman kong may diabetes ako 2 days later. pero ngayon, after doing something wrong again, 2 days later, nabangga ang kotse ko. i don't need to elaborate kung anong kasalanan yun, ang Dyos na lang nakakaalam. coincidence ba talaga or someone up there is reminding me na "marhgil, naliligaw ka na ng landas, magbago ka na!" well, i guess, it is a wake-up call, na naliligaw na nga ako ng landas. hirap kasing isipin na coincidence lang ang lahat. na after ko magkasala, nabangga yung kotse ko after 2 days. as in, ang dami namang pwedeng mabangga, bakit kotse ko pa? sabihin pang gastos nila, malaking abala pa rin sa akin. siguro nga, its time for me to weigh things out at magbalik na sa dating ako. magbagong buhay ba. pinagsisihan ko na yung ginawa kong yun at hindi na yun mauulit. promise!

bakit yung ibang gumagawa nun, hindi pinarurusahan, e ako, minsan ko lang ginawa, kamalasan kaagad yung kapalit? siguro nga, yun lang ang reason, mahal pa ako ng Dyos kaya pinalo nya kaagad ako. e anak nga kasi ako ng Dyos eh, kitang kita nyo naman kung paano nya ako dinisiplina. kung wala akong Dyos, siguro, pababayaan na nga lang nya akong tuluyang mapariwara.

to God be the glory. Amen.

2 comments:

Robbie said...

Grabe naman. Per mas mahal ka niya kaya "pinarurusahan" ka niya. :) Mejo malabo ano?

kukote said...

siguro, God is like parents na pinarurusahan yung anak nila kapag nagkakasala para ituwid ng landas. :) thanks for dropping by!