magtatagalog naman ako. kanina nga pala ay kinausap kami regarding our annual employee evaluation. one on one ang usapan with our boss. medyo nakakalula mga sinasabi nya, puro papuri, ok naman daw yung ginawa ko for the last 12 months. etc.. etc... comment nya lang daw, i must be more articulate. ang sabi daw kasi nung counterpart namin sa ibang bansa, ang tipid ko daw magsalita. Q and A lang daw ako. isang tanong, isang sagot. alangan naman? alangan namang sumagot ako ng dalawang beses e isa lang naman nga yung tanong. hehehe. kumbaga, magshare naman daw ako ng opinion, ng ideas about the topic we are talking about. sa phone lang naman kasi kami nagkakausap nung si C**l*s, e yun nga daw ang comment. di ko lang masabi, e hindi sya nakakaintindi ng tagalog eh, kaya limited lang ako magsalita... hehehehe. yan kasing ingles na yan, akala mo kung sino. pag magaling ka bang mag-english, magaling ka nang tao? e kung sa US ba ako ipinanganak, e di ang galing ko rin sa english. lahat ba ng amerikano matalino? syempre, may mga may sayad din sa mga yan, pero marunong ding magenglish. hehehe. syempre, dun sya lumaki, kahit retarded, basta amerikano, mag-eenglish at mageenglish yan.
minsan, nakakaasar itong mga taga call center na nakakasabay namin sa elevator, aba e mga pilipino naman, e mag-uusap lang sa isat isa ay english pa. parang tanga. lalakas pa ng boses sa elevator, ang dating sa akin ay ipinagyayabang nila na marunong silang mag-english. pero di sila marunong ng elevator etiquette. ang iingay! kung mag-eenglishan sila, e dun na lang sana sa office nila, wag naman sa elevator. para silang walang pinag-aralan.
No comments:
Post a Comment