kahit wala syang pahintulot ay ikukwento ko kung anong nangyari sa kasal ni owen. andoon naman ako at ako ay isang saksi sa mga pangyayari.
ang masasabi ko, iyakin ka pala owen! hehehe. "sorry but i can't control myself."
but seriously, i wish i could do the things you did during that day! sa mga wala doon, imagine this... it's a "pavilion" wedding, noong mag-umpisa na ang wedding march, syempre to the tune of the wedding march, "tan tan ta ran... tan tan ta ran..." nagmartsa na yung mga abay. nung pumasok na si jheng (yung bride), nag-iba ang tugtog! and owen started to sing "I will be here" while his bride marches on the aisle! ang sweet! it was an emotional moment! lalo na nung mag-umpisang tumulo ang luha ni owen! you can see from the way he sings kung gaano nya kamahal si jheng.
it was not a catholic wedding, iba religion nila eh. medyo mahaba yung kasal, 2 hours yata, pero ok lang. ito lang natandaan kong sabi nung kanilang pastor... "Never stop courting her so that you will not end in court." kahit kasal na daw, tuloy ang ligawan, para hindi mapunta sa hiwalayan sa korte! ayos!
i am not posting any picture on this wedding day, si owen na lang hanapan nyo! kapag ako ang ikinasal, lahat ng picture, dito ko ipopost. kelan? in HIS time. hehehe.
to Owen and Jheng... Congratulations and Best Wishes!!!
No comments:
Post a Comment