sa mga hindi nakakaalam, bago po ako napadpad sa makati e nagtrabaho muna po ako bilang instructor sa AMA batangas. naalala ko lang yung nakaraan dahil may isang nagpost sa tagboard ko na estudyante ko dati, obvious naman kung sino, hanggang ngayon ay sir pa nga ang tawag sa akin eh.
masayang maging instructor. ang daming nakakakilala sayo. nung nakaraang linggo nga e natripan naming gumala sa SM-batangas, kasama ko yung dati kong opismeyt na natripang sumama sa akin sa batangas last weekend. apat na dating estudyante ang nakakita sa akin. syempre, bati lang sila, sir pa rin tawag sa akin. actually, hindi ko na nga matandaan mga pangalan nila, sa dami baga, pero syempre, familiar yung mga mukha nila. kaya nga di ako masyado gumagala sa batangas. medyo hassle din na naglalakad ka, mapapansin ng kasama mo, may tingin nang tingin sayo na parang nakakita ng artista... hehehehe, yun pala, mga dati mong estudyante. siguro, iniisip nila, "yun si sir marhgil, ano na kayang nangyari dito at pagala-gala na lang." hehehe.
remembering those days na nagtuturo ako, haharap sa 40+ na estudyante at magdadadakdak for one hour. nung una, medyo kabado pa. pero nagtagal, nasanay din. natripan pa nga namin ni owen na pumasok sa klase at magturo na chalk at eraser lang dala, walang dalang notes. syempre, todo aral sa faculty room, pagdating sa classroom, impressed ang mga estudyante. maririnig mo na lang sa mga fellow instructor mo ang comment ng mga estudyante nila... "si sir, ang galing nyan, nagtuturo, chalk lang dala." hehehe.
naalala ko pa yung estudyante kong ibinagsak kahit pang take 3 na sya sa subject na yun. paano ko ba namang hindi ibabagsak, e nung first day of class ko lang nakita. hindi naman idinadrop yung subject, tapos, laging present every major exam. lagi namang bagsak. anong imamarka ko sa kanya? kahit sa attendance, bagsak eh. tapos, makikiusap pag bigayan na ng marka, bigyan ko na lang daw ng special project, patake 3 na daw nya eh. sabi ko, kahit patake 20 mo pa ito, kung ganyan din gagawin mo, singko ka pa rin sa akin. hindi ko binigyan ng project, ibinagsak ko talaga. dapat naman e matuto sya, ewan ko kung nakapasa na sya sa take 4 nya.
featured site: Trial Bike Pro Pampalipas oras para sa mga walang magawa. masaya to!
No comments:
Post a Comment