Tuesday, June 21, 2005

tigil pasahe

ang taas na pala ng pamasahe. coding ako ngayon, nagtaxi ako papuntang office kaya hindi ko namalayan ang pagtaas ng pamasahe. kanina, nung magpunta ako sa insurance company ko para kumuha ng certificate of no claim, yun, dun ko naramdaman ang pagtaas. P7.50 na pala. di kasi ako nakapanood ng balita at nakapagbasa ng news kahapon.

dapat siguro, ituloy na natin yung suggestion ko. kung ang mga driver ay may nalalamang tigil-pasada, dapat, tayo ay magtigil-pasahe, oplan lakaran papuntang office. hehehe. akala yata nila e nasolve na ang problema nang magtaas ng pamasahe, e mas marami kaya ang pasahero kesa driver. lumalaki ang gastos, ang sweldo, hindi masyado. hay! ang buhay!

makapagpasada na lang kaya ng dyip doon sa amin. laki na ng pamasahe eh, mukhang magandang negosyo yun a! wala lang, sige po, balik trabaho na ulit ako.

No comments: