akala ko, swerte na ako kahapon, hanggang sa dumating ako sa boarding house. pagdating ko doon, wala akong susi ng bahay. naiwan ko pala sa laptop bag ko sa office. yun, ang nangyari, naghintay ako ng almost 1 hour doon sa labas until dumating ang isa sa mga kasama ko sa bahay. ang matindi pa nito, yung mga susi ko, including the car key, kasama nun, kaya ngayong umaga, commute ako, nasa office ang susi ng car ko eh.
eto pa, nung makapasok na ako sa bahay. binasa kong muli ang certificate of no claim na kinuha ko doon sa insurance company para sa car ko. at anak ng teteng naman o! mali ba naman yung car model. ang nakalagay, 1995 TOYOTA ALTIS 1.6. dapat, 2005! hindi ko man lang napansin kahapon nung andoon pa ako sa insurance. dagdag abala na naman. tumawag na ako doon sa insurance at ang sabi sa akin, dalhin ko daw muli doon para marevise. sabi ko, ako na lang magtatama, ayaw namang pumayag. yun, mamaya, sa halip na isasubmit ko na doon sa insurance nung nakabangga sa akin ang lahat ng papers e babalik muna ako doon sa insurance ko para itama ang mali. dagdag abala, dagdag gastos. mahal na ng pamasahe, kinse pesos balikan din yung magagastos ko dun para maitama itong kamaliang ito!
tama na ang kamalasan! eto naman, good news. this morning, "the elder brother" (ang kuya) texted me, nanganak na daw ang asawa nya, lalaki. may nadagdag na naman sa macuha clan! ang ipinangalan daw nila ay Zyann Francesco. dumarami na kami, ako na lang walang contribution sa aming magkakapatid a. yung bunso namin e nakadalawa na, yung panganay nga ay eto, may isa na, e yung gitnang si ako? wala pa rin. ako na naman ang tatanungin ng mga tao kung kelan ako mag-aasawa. i'l just cross the bridge when i get there. hehehe. nalalayo yata ako sa topic.
ok, back to topic. i'm planning to make Zyann Francesco a gifted child. yeah, you read it right, gagawin ko syang gifted child. Paano? Reregaluhan ko, para gifted child na sya. (corny! hehehe) totoo namang kapag bagong panganak pa lang at niregaluhan mo ay magiging gifted child. i have biblical proof! look at jesus christ. he is a gifted child, sanggol pa lang sya, niregaluhan na sya nung mga pantas (3 kings daw) (trivia: do u know that 3 kings is not mentioned in the bible?). kaya nga bata pa lang sya, nangangaral na sya sa templo. ano kayang magandang gift for him? any suggestion???
i think, that's all for now. may training pa kami dito sa office, ako speaker, maghahanda muna ako!
No comments:
Post a Comment