starting monday, english na daw ang magiging medium of communication namin dito sa office. this is to improve our verbal communication skills daw. hehehe, sa lunes, wala nang iimik sa office, puro YM na lang siguro. hehehe.
not that i'm against english or any other language. i just find it silly for two people communicating in english if they are both tagalog-speaking person. di ga? para namang kagaguhan yun, at simula sa lunes, magmumukha na kaming gago. marunong naman akong mag-english, but I use it only when necessary. kagaya nung nasa kuwait ako, syempre, alangan namang magtagalog ako dun e hindi naman nila naintindihan, di ga? naalala ko tuloy yung joke ng dalawang batangenyong nagkita sa US, syempre, pareho daw gustong magpasikat kaya nung magkita e parehong nag-english... here it goes...
batangenyo1: hey kabayan! how are you ga?
batangenyo2: ala'y fine eh!
yun lang, bak to work na ulit. gusto ko sanang itanong sa boss ko kung pati sa pagbblog e english din dapat... hehehe.
No comments:
Post a Comment