mukhang matino namang kausap yung nakabangga sa akin. kahapon pa lang ay sunod-sunod na tawag na ang natanggap ko from their insurance. standard insurance daw sila. i searched the net and found this site. mukhang nasa mabuting kamay naman ako. kinuha plate number at model ng car ko, kinuha address ko. nung malaman na nasa makati ako ay iniendorse agad nila sa branch nila sa manila itong kaso ko. tinawagan din kaagad ako. pupuntahan daw ako ngayon to inspect the car. sana, madali nilang maayos yung car. sana, after ng meeting on sunday, madala na sa casa yung car at nang maibalik na sa dating porma.
kahit matagal na akong nagddrive, nakakaconscious pa ring magdrive ngayon lalo na't kakatapos ko pa lang mabangga. parang feeling ko, laging yung sasakyan sa likod ko ay babanggain ako pag nagpreno ako. may trauma pa ako sa nangyari, dapat, kasama ito sa bayaran nila, danyos perwisyo, di ba?
parang gusto kong bumili ng sticker na "KEEP DISTANCE", yung malaki para mabasa ng sasakyan sa likod.
ngayon, naghihintay ako ng inspector, sana dumating na sila. laki talagang abala ng pangyayaring ito. kahit gaano ka kaingat magdrive, kung gago naman nasa paligid mo, wala ka ring magagawa. perwisyo talaga sa buhay ko yang mga driver na gago.
on other matters, i was disappointed to the actions made by senyora on akira posh's birthday. ang sama talaga ng ugali.
yun lang.
No comments:
Post a Comment