shifting from politics to personal blog... heto na po ang nangyari sa kotse ko. tinawagan ako kanina nung insurance, ready na raw yung bumper na ipapalit! pede ko na raw dalhin sa toyota makati bukas. tumawag ako sa toyota makati, ok na nga daw, dalhin ko na lang daw bukas doon ng 9:00AM. tinanong ko kung kelan maaayos, ang sabi nya, depende raw sa extent nung sira. bukas ko raw malalaman, sana, maayos na, sana,by next day ay ok na, para naman may service ako papuntang airport on my flight to jordan.
speaking of jordan, maybe, some of you are wondering, ano bang gagawin ko doon? actually, i'll be there just for 7 days. July 1 to 8. June 30 ang alis ko, July 9, andito na ulit ako sa pinas. e ano ngang gagawin ko doon? hahanapin ko si zarqawi nang makuha yung malaking reward sa ulo nya. hehehe.
seriously... magcoconduct lang naman po ng training sa mga technical engineers doon on how to install, configure and maintain our products. 3 days na technical training yun. then yung last days, i'll meet the marketing personnel naman to introduce them our new products. para naman maibenta nila. reseller kasi namin sila. yun lang, pagkatapos noon, uuwi na ako. tiyak, mapapalaban na naman ako ng inglisan. hehehe.
sana, ok yung pagkain doon. sana, makakain ko. sana, naliligo yung mga tao doon. at sana, wag akong magkasakit pagdating doon. sana, magtagumpay ako! at sana, pagdating ko, naincreasan na ako ng sweldo!!!
No comments:
Post a Comment