Thursday, June 16, 2005

tagboard, bumper sticker, jordan, suicide notes

ok pala yang may tag board dyan sa side bar. wala lang, natripan ko kasing magblog hopping kahapon, at kada tagboard na makita ko, post ako ng message. aba at dumami ang hits ng blog na ito! hehehe, so, para sa mga taong napapadaan din dito, hayan ang tagboard ko dyan sa sidebar, post anything you want, walang burahan.

may naisip akong mas magandang bumper sticker, sa halip na "Keep Distance", eto na lang.. "ANG BUMANGGA, ULAGA!"... yung mga batangenyong nagbabasa ng blog na ito, naintindihan ito, yung mga taga Manila, itanong nyo na lang sa kakilala nyong batangenyo kung ano yung ulaga. hehehe.

nagpunta ako sa isang client namin kanina doon sa roosevelt, nagtaxi na lang ako, nakakatamad kasing magdrive lalo na't bingot pa yung likod ng kotse ko, kahit hindi ko naman kasalanan, iisipin pa rin ng mga nakakakita, "ang tanga naman ng driver na yun, kabago-bago ng kotse, may bangga na kaagad."

mukhang tuloy na tuloy na ang pagpunta ko sa jordan. ok na yung visa, may confirmed ticket na din ako, ano pang hahadlang? unless magunaw na ang mundo bago ako umalis, hehehe. sana, bago ako umalis, maayos na yung kotse ko.

featured site: Suicide Note Generator. if you want to kill yourself at paggawa ng suicide note ay kinatamaran mo pa, eto na lang gamitin mo! hehehe

No comments: