Wednesday, June 08, 2005

late, sine at tape

ang aga kong nagising (compared kahapon), akala ko, hindi na ako malelate sa pagpasok. kaso, paglabas ko, traffic! from magallanes to that corner near AMA, hindi ko alam kung anong kalye yun, usad pagong. dati, nagriright turn ako dun sa kantong yun papasok ng pasong tamo, e trapik nga kaya i decided na tumuloy na lang dun sa highway at sa dela rosa na lang ako nag right turn. what can i expect, araw-araw traffic dun eh. ayun, late na naman ako ng 15 minutes!

sinong gustong sumama sa akin? sa saturday, nood tayong sine, sa SM batangas. libre ko ang sasakyan. hehehe. i think i need to unwind and defrag my kukote. sabi nga, "all work and no play keeps the doctor away." tama ga?? hehehe. tagal ko nang di nakapasok ng sinehan a. last movie na napanood ko, yung Spirit of the Glass nung nasa davao pa ako. Ano bang latest ngayon??? star wars??? wala akong balak, nakokornihan ako sa espadang umiilaw, parang laruan ko nung bata ako.

grabe bagal ng download dito, o talaga lang maraming gustong magkakopya ng controversial tape ni ginang GMA. geh, back to work na ulit ako.

No comments: