Tuesday, June 07, 2005

death wishes

technical writer mode ako ngayon, pero parang mas trip ko pang magsulat sa blog kesa sa magsulat ng features ng bagong product na tinapos ni benjo. ewan ko, drain na naman kukote ko, wala akong masyadong maisulat. kaya heto, blog muna.

kayo ba ay natatakot mamatay? kung ako ang tatanungin, e di aking sasagutin. di ako natatakot mamatay pero sa totoo lang, ayoko pang mamatay. bakit? if i died today, there are so many unaccomplished tasks that will be left behind. kagaya nung installment sa kotse ko, sinong magpapatuloy nun? kagaya nung plano kong makitang umunlad ang procyon? bigyan ng magandang buhay ang aking magiging pamilya? ang dami pa, at ang lahat ng ito ay mawawala kung mamatay akong bigla, di ba? wala namang take 2 ang buhay eh, kung totoo mang may reincarnation, that's a new life na rin, ibang chapter na ng buhay mo, wala ding connection to your past life, di ga?

napapansin ko, parang trip ko laging pag-usapan ang kamatayan. ewan ko nga ba. well, its part of being a human being (puro being a), to live and at the end, to die. hindi naman pedeng mabuhay tayo ng walang hanggan dito sa mundong ito, dahil kung ganun ang mangyayari, e matagal na tayong overcrowded, just imagine kung lahat ng taong nabuhay mula pa kay eba't adan e buhay pa hanggang ngayon. siksikan na tayo. imagine kung gaano kalaki ang impyerno at paraiso. lahat ng mabubuti, sa paraiso, sa impyerno ang masasama. gano kaya kalaki yung impyerno? sabagay, ok lang magsiksikan dun, parusa nga eh. hehehe. minsan, naiisip ko, pag namatay kaya ako, marami kayang makipaglibing? ilan kaya ang iiyak na tao? yung savings ko sa bank, kanino mapupunta? yung kotse ko, sinong gagamit? yung cellphone ko kaya ay gamitin pa nila? wala kasi akong balak gumawa ng last will and testament, bahala na sila, hehehe. ang request ko lang pag namatay ako, wag nila ako iccremate. gusto ko, hindi ako nakapikit. kung kaya nila akong pamulatin sa kabaong, yun ang special request ko. para kita ko kung sino ang mga sisilip sa kabaong. hehehehe. ano kayang magiging reaction ng mga dadalaw? maiyak kaya sila, matawa or matakot? request ko sa libing, ang tugtog, mga awitin ng metallica. hehehe, at dapat lahat ng nakikipaglibing, nagheheadbang! ang saya nun!

ge, naglabas lang ng sama ng loob, back to work.

No comments: