Thursday, June 16, 2005

tapes, tarongoy, autopsy, phone calls

what is the big fuzz about the tapes? ang dali naman nyan, buhay pa naman ang mga taong involved, bakit hindi si GMA mismo ang tanungin kung sya ba talaga yung nasa tape. Did the conversations really happened? konsensya na lang nya kalaban nya kung nagsasabi sya ng totoo o nagsisinungaling. kung naniniwala sya sa Diyos at sa impyerno, siguradong magsasabi sya ng totoo, unless tinanggap na nya sa sarili nya na sa impyerno na destinasyon nya, di ba? konsensyahan na lang yan. hehehe.

gusto ko lang kumustahin si tarongoy, buhay pa ba sya? nakalaya na ba? ganito ba talaga sa pilipinas, nakakalimutan na ang lahat pag may bagong mainit na issue? kawawa naman yung tao, ano bang pinagkaiba niya kay angelo de la cruz? di ba, pareho lang naman silang nakidnap. yung isa, full media coverage, eto, kinalimutan na. sabagay, si tarongoy nga pala ay isang pasaway na ipinagbawal na ang pagpunta sa iraq e nagpunta pa rin sya.

tinawagan ako ng tatay ko kanina, itinatanong kung kumusta na daw yung kotse. sabi ko, "ayun, ipagagawa pa." tapos, tinatanong nya kung naincreasan na daw ako ng sweldo. sabi ko, hindi pa. malapit na. but i still need to negotiate kung hindi ko magugustuhan yung increase na ibibigay nila sa akin.

lumabas na pala ang result ng autopsy ni terri schiavo, her brain damage was irreversible. kahit na, does it give them the right to kill the person? buhay pa rin ang pinatay nila. they still starved her to death.

tumawag naman ngayon ang inay. kumusta na daw ang kotse. sabi ko, "ayun, sira pa rin. di pa nagagawa." parang mas concern pa sila sa kotse kesa sa akin a. hehehe.

ge, work muna ako.

No comments: