Monday, June 27, 2005

LOA update, pamangkin ko, pinsan ko, picture ko, tanong ko

lumampas na yung 6:00! well, hindi ko isinend yung email ko. tinawagan ako around 5:45PM! nakakontak na daw sila sa toyota bel-air. pero hindi ko pa raw pedeng ipasok ng casa? bakit??? kasi, papalitan daw yung bumper ng sasakyan ko, e wala daw stock, umorder pa daw! pag dumating daw yung bumper, saka nila ako tatawagan para isang gawaan na lang. sana, mabilis lang yung bumper, sana, sa wednesday, andoon na! hindi naman ako ganun kasama para ipahamak pa sila, pero ang bagal pa rin talaga no? biruin mo, kanina pang umaga, ngayong hapon pa lang ako inupdate? wish me luck na lang ulit!


other matters, nung saturday, pinuntahan ko yung kapatid ko sa lipa. syempre, para makita ko na yung bago kong pamangkin. heto sya! heto pa! isa pa! at eto pa! he is just 4-day old sa picture na yan.

other matters pa rin, nung sunday, pinuntahan ko naman yung pinsan ko, papunta kasi syang new zealand, magtatrabaho daw doon as caregiver. so, pinuntahan ko para hindi naman nya ako makalimutang pasalubungan pag-uwi nya. hehehe. ito yung picture namin! hmmm... ang taba ko ata sa picture... hehehe! sa mga magtatanong, single pa po sya at walang boyfriend! (ibenta ba?? hehehe)

ito pala, may wedding picture pala ako! natripan ko lang picturan yung cameraman... pede bang ako lang ang ikinakamera nya??? yan ang katunayan na makikita nyo ako sa wedding video nina owen! pag wala, magrereklamo ako!!! hehehe!

tanong ko lang sa inyo... is it professional na tumambay ka sa cubicle ng girlfriend mo during office hours??? nagtatrabaho sya, kaharap ka, e hindi ka naman empleyado?? nagtatanong lang po!!!

4 comments:

Anonymous said...

wala kang magagawa.. miss nya yung GF.... mas masama na lalaki na tumatambay sa cubicle ng boyfrend nya..

--penoy

kukote said...

mas masama nga yun... =)

7one said...

Hi, thanks for dropping by :D

Naomi said...

pwedeng tumambay.. inspirasyones tawag dun, ajehjeh! pag nahuli ng boss, yun na yun! jehjeh ulet =)