Tuesday, June 14, 2005

nagkabanggaan na!

can't help myself not to blog right now. nangyari ang lahat nung paluwas na ako ng manila. pagpasok ko ng SLEX, i was in the fast lane ng biglang nag full stop yung nasa unahan ko. syempre, hindi naman ako pede basta makaiwas to the right, so, i have no other choice kundi mamreno din, full stop din, buti, malakas yung preno ko at di ko nabangga yung nasa unahan ko, pero biglang "kablag!", yung nasa likod ko, ginawang preno yung likod ng kotse ko. ggrrr. hindi nya kinaya yung biglang full stop. ayun, wasak yung likod ng kotse ko. van sya, tapos, ang tagal pa dumating ng pulis para gawan ng police report. natural, sya ang may kasalanan. binangga nya ako eh. gagamitan daw ng insurance. ang nangyari, gumawa ng sketch yung pulis, sketch ng banggaan. kinuha yung license nung nakabangga at tiniketan. nagmamadali yung nakabangga kasi may sakay syang buntis at nakiusap na sa isang araw na lang pag-usapan kung paano nya aayusin ang atraso nya sa akin. sabi nung pulis, ok lang daw, nasa kanya naman yung license. siguradong hindi ako matatakbuhan. so kinuha ko yung contact numbers ng pulis at nung nakabangga at nagset kami ng meeting sa sunday sa calamba police station. naawa din naman ako dahil may kasama ngang buntis. so ngayon, wasak pa rin yung likod ng kotse ko at sa malas e ayaw nang maglock nung compartment sa likod, na deformed nga kasi yung likod, tinalian na lang namin. sabi nung kapatid ko nung malaman, wag daw akong papayag na hindi sa casa ng toyota ipapagawa. syempre naman, kabago-bago nun. sana lang e madaling kausap yung insurance nila. madali naman akong kausap, ang sa akin lang e ibalik nila sa dating anyo at kalagayan yung kotse ko at ayos na yun, pero sa casa ng toyota nila ipagagawa. yun lang. tapos, magkalimutan na, i don't care kung insurance o hindi yung gagastos, basta, ibalik nila sa dati. yun lang. here are some photos... link1, link2, link3.

No comments: